Isa pang Maguindanao massacre suspect tiklo

ISA pang suspek sa November 2009 massacre sa Maguindanao province ang nasa kamay na ng awtoridad kasunod ng pagkatiklo sa kanya .

Si Samsudin Rajahpandalat Kamilon ay nadakip Sabado ng hapon Hulyo (23) ng police at military personnel sa isang pampublikong palengke sa Datu Odin Sinsuat town sa Maguindanao province, ayon sa ulat ng pulisya, kaninang umaga.

Kabilang si Kamilon sa 200 suspects sa karumal-dumal na pagpatay sa 57 katao kabilang ang 32 journalists, sa Ampatuan town sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Sinabi rin sa ulat ng pulisya na si Kamilon ay nadaklip sa bisa ng isang warrant of arrest para sa 56 counts ng kasong murder na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221, na siyang dumidinig ngayon sa kaso.

Nasa kustodiya na si Kamilon sa police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Tinutugis pa ng awtoridad ang mahigit sa 100 pang Maguindanao massacre suspects na kasalukuyang nakalalaya pa.

Ikinukonsidera ang Maguindanao massacre na pinakagrabeng kaso ng political violence sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply