Isasauli kaya ang pajero?

MUKHANG hindi talaga isasauli ng mga Katolikong bishop ang mga Pajero na nahingi nila sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sabi kasi ni Bishop Nereo Odchimar, ang president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bagaman at hindi niya tinatanggi ang panghihingi ng mga obispo ng mamahaling Pajero, marahil daw ay sinisiraan lamang daw ng gobyerno ang mga Obispo dahil opposed sila sa contraceptives katulad ng condoms at pills.

Pag-uusapan daw ng CBCP ang isyu na ito this week, ganoon pa man, sinabi ni Odchimar na walang karapatan ang CBCP na ipatawag ang mga Obispo sa isang meeting.

Bawal ang magsinungaling, ayon sa 10 Commandments, o baka naman exempted ang mga pari sa 10 Commandments?

Sabi rin ni Obispo Orlando Quevedo, dating CBCP president, tatawagin niya ang mga ibang Obispo tungkol dito, pero yan ay kung they are around.

Hindi ko alam kung nagkakalokohan na tayo rito. Tatawagan sila pero kung they are just around.

Mukhang ang mga namumuno ng CBCP ay just playing around with words.

Ayon kay Quevedo, nakarinig na rin siya ng mga usapang pati si dating Cardinal Sin ay tumanggap din ng mga donasyon sa pamahalaang Marcos at President Cory, kaya ano ang masama rito?

Ang  masama  po ay galit na galit kayo sa PCSO, sa lotto at jueteng pero nanghihingi pala kayo ng pera at mga sasakyan sa gobyerno.

Nothing unusual, sabi ni Quevedo.

Totoo yan. Si Pope Benedict nga, ilang araw pa lang siyang papa, nabigyan agad ng Volvo, isang luxury racing car na bullet-proof pa.

Nothing unusual, sasabihin din siguro ni Quevedo.

May kasabihan nga ayon sa kung sinomang pari na nagsabi nito: Follow what I preach, not what I do.

Sana naman ay ang mga pari ay magpakatotoo na. Charity begins at home, sa mga bahay ng mga pari at kanilang mga Obispo.

Sa Simbahang Katoliko (hindi po ako miyembro ng kahit anong religious sect bagama’t naniniwala ako sa Diyos), kung wala kang pera, kadalasan ay hindi ka bibinyagan, hindi ka isasali sa first communion, hindi ka makapag-e-enrol sa kanilang school, hindi ka bibigyan ng burol sa kanilang chapel, at hindi rin ibe-bless ang inyong mga kotse.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply