Iyakin ka pala, ‘dre!

HINDI naitago ng katotong Benny Antiporda ang sulak ng luha sa mata, ilandang ang kumpisal habang palapit sa ‘kin, “Dong, alam mo naman ako pagdating sa pera…” saka umiwas, inilayo ang mukha’t nakalatay na ang pamumula… pigil ang hikbi.

Napakamot ako sa ulo… pero hindi naman ‘kakahiya na maipakita sa kapwa lalaki na may kakayahan ka palang umiyak… tunay na pagtangis. No use to hold back the tears, you can be emotionally vulnerable to an uncalled-for assault.

Hinalihaw ng bintang ang katoto—at tila amag na sumingaw pa mandin ang paratang sa kanya sa tatlong diyaryo…

Aaminin ng inyong imbing lingkod na ako ang nagsulsol sa pamunuan ng National Press Club na isalya ang guhit ni Mang Enteng Manansala bago lubusang lamunin ng anay—at wala nang makinabang. Malapit din sa akin ang nagsalya, our beloved departed Lourdes Benito Alcantara o ang Lola Odette ng aking mga supling…

Sa kapakanan ng mga kasapi ng National Press Club inilaan ang P6 milyon mula pinagbentahan ng miyural ni Mang Enteng… naungkat nga na isinaping puhunan ni Benny Antiporda sa real estate company na magsisinop sa 3,000-metro parisukat na lupang inilaan sa pabahay ng NPC… that’s astute business sense, kung ibibili lang ng lupa, matatali ang P6 milyon sa lupa… hindi na lalago. Eh, aaminin kong astig na negosyante ang Antiporda…

Nasaktan si Antiporda sa paratang na ibinulsa niya ang P6 milyon… kaya umiyak, nagsisikip ang dibdib sa sama ng loob…

Natunton na isa sa mga kasalukuyang pinuno ng NPC ang nagpaputok ng kuwentong kutsero ukol sa “nawawalang” P6M—ibinintang na “ibinulsa” na ng Antiporda.

Sa paliwanag kay NPC President Jerry Yap ng dalawang antigong kawaksi ng Pambansang Samahang Pindot (PSP, ito po ang katumbas sa Tagalog ng National Press Club) na Fely Santos at Mae Briones, itinuga na upang makalkal ang mga papeles ukol sa puhunang P6 milyon, pinaliguan sila ng mga “pagmumura, pananakot” at “paninigaw” kay Ms. Amor Virata… na lumilitaw na kapural ng sumingaw na alingasaw upang siraan si Antiporda.

The mudslinging strategy is likely to backfire…such would only point up the business savvy and leadership capability of Antiporda to look after the weal of media practitioners.

So, I’ve seen one man cry, his tears betraying his genuine humanity.

Nailagay ko nga sa Facebook ang napulot na aral mula kay Sun Tzu hinggil sa larangan ng pakikitalad— field of honor. Hindi kababuyan at pagsalaula ang isinasalang sa pakikipaglaban kahit na sa pampulitika o personal na larangan…

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply