James Yap tablado kay Kris Aquino

MULING nagbalik sa morning show ang Queen of all Media na si Kris Aquino via “Kris TV” na mapapanood sa ABS-CBN 2 mula Lunes hanggang Biyerne, kung saan ang magiging paksa ng kanyang bagong morning show ay tungkol sa mga sikat na celebrities, musika at relasyon. Knowing Kris, siguradong halos lahat ng paksa ay mauungkat niya. As in, open topic pag siya ang nag-interview.

Isa sa katanungan ng bayan ay kung iimbitahin ba naman ni Kris ang kanyang dating dyowang si James Yap, lalo pa ngayon na on speaking terms na rin naman silang dalawa.

Ayon sa kampo ni Kris, hindi raw niya iimbitahan si James na mag-guest sa Kris TV. Isa sa dahilan na binigay kasi ni Kris kung bakit hindi nag-prosper ang marriage nila ni James ay sa dahilang naging open ang buhay mag-asawa nila sa publiko. Ngayon na hiwalay na sila ay nagbalik sa buhay pribado niya si James at ito ang ginagalang ni Kris sa dating asawa.

***

Snooky Serna sa lovelife

KUNG dati-rati ay lovelife ang sentro ng intriga sa buhay ni Snooky Serna, pwes halos isang taon na ngayon simula ng maghiwalay sila ng kanyang non-showbiz boypren na isang negosyante ay wala na tayong nabalitaan pang karelasyon ngayon ni Snooky. O di nga ba, halos ilang buwan pa lang silang naghiwalay ng kanyang unang mister na si Ricardo Cepeda ay nagkaroon agad ng boypren si Snooky, si Nino Mecado na nagpakasal pa ang dalawa at nauwi rin sa hiwalayan hanggang pumasok sa eksena ang businessman boypren nga ni Snooky. Sa panayam sa aktres, madiing sinabi nito na choice niya raw ang wag na munang magkaroon ng lovelife kahit pa sabihing marami pa rin namang umaaligid-aligid sa kanya ngayon. Mas pagtutuunan na muna raw niya ang kanyang showbiz career at mga anak.

Well, matupad naman kaya? Snooky is Snooky, o, di ba?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply