Janitor timbog sa nakawan sa Senado

TIMBOG sa Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) ang isang janitor matapos nakawin ang mga electrical equipment sa Senado, kabilang na ang mga kable na gagamitin sana sa impeachment trial ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sa ulat ng OSAA, nadakip si Ginny Boy Jimenez, kawani ng Philcare Manpower Services na nakatalaga sa Senado noong Biyernes habang papalabas sa main lobby ng Senado.

Nakumpiska mula sa bag ni Jimenez ang ilang uri ng mga electrical equipment na nagkakahalaga ng halos P10,000.

Sa pag-iimbestiga ni Romeo Juan ng OSAA, nabatid na si Jimenez ay palabas na sa lobby ng Senado nang mapansin ng mga kagawad ng OSAA na hirap na hirap ito sa pagbitbit ng shoulder bag na may tatak na “JPE.”

Tinanong si Jimenez ng OSAA kung bakit mabigat ang laman ng kanyang shoulder bag kung saan sinabi ng janitor na puro mga labahing damit umano ang kanyang bitbit.

Sa pagdududa ng OSAA, pinabuksan nila ang bag at doon tumambad ang iba’t ibang uri ng electrical equipment na ang iba ay gagamitin pa sana sa impeachment trial ni Gutierrez.

Itinuro naman ng janitor ang isang nagngangalang “Ian” na ang tunay na pangalan ay Mark Christian Silverio ng Electrical Department na pinaghihinalaang utak ng nakawan.

Dinala sina Jimenez at Silverio ni Juan sa Pasay City Police Station saka sila sinampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply