Jericho feel nang lumipat sa ibang TV network

NOW it can be told! Naisip rin pala ni Jericho Rosales na mag-ober-da-bakod sa ibang istasyon tulad ng GMA-7 at TV5 sa nais niyang makatrabaho naman ang ibang artista. Marami ang hindi nakakaalam na nag-expire na ang kontrata niya sa ABS-CBN pagkatapos niyang gawin ang “Green Rose” with Anne Curtis at may natanggap nga siyang offers pareho sa Kapuso at Kapatid networks. Pero napigilan lang siya ng Kapamilya network sa paglipad sa ibang TV stations.

“Nakipag-meeting ako sa executives ng ABS and I told them I was thinking of going freelance. Tapos sinabi nila sa akin na ang dami pa nilang plans sa akin like hosting nga a reality show like ‘I Dare You.’ Marami pa silang sinabi sa akin na nagustuhan ko sa I agreed to sign up with them again. At saka, I love TFC kasi nakaka-reach out ako sa mga kababayahan natin abroad. ‘Yun pa ang isang bagay na nakapagpigil sa akin na lumipat,” pahayag ni Jericho.

Siya na nga ang host ng bagong reality show ng ABS na I Dare You kung saan ang mga iba’t ibang celebrities ay ide-dare nila na gawin ang iba’t ibang bagay na hindi normal na ginagawa ng mga ito. Shades ito ng “Extra Challenge” noon ni Paolo Bediones sa GMA na pinaghalong Pinoy Fear Factor. Ang co-hosts dito ni Echo ay sina Iya Villana at ang comic princess na si Melai Cantiveros na huhusgahan na rin this week sa launching movie nito na “The Adventures Of Pureza, Queen Of The Riles.”

Super tawa ang press people sa dare ng isang movie scribe kay Echo na halikan si Melai kasi hindi ito kinagat ng aktor. Nagpalusot si Jericho na kesyo magseselos lang si Jason Francisco na madali namang sinalungat ni Melai. “Hindi magseselos si Jason kasi alam niyang siya ang mahal ko talaga. Kiss lang naman ‘yun okey lang sa akin. Crush ko talaga si Jericho at walang halong libog ‘yun, Siguro mamaya sa backstage pumayag na si Echo,” dire-diretsong tugon ni Melai.

Produced ang I Dare You ng pinagsanib-puwersa ng News and Current Affairs at TV Entertainment Group ng ABS. Buwena mano nilang guests this week ay sina Alessanda Da Rossi (na bumalik na ulit sa GMA) at Gab Valenciano. Mismong ang host na si Jericho ay dinare na balikan ang dati nitong trabaho bago siya nag-artista na kargador at tindero sa palengke sa Marikina noon.

Paniguradong panonoorin namin ito dahil napakahilig namin sa mga reality shows tulad ng “The Biggest Loser: Pinoy Edition!”

***

IBA’T ibang characters ang pinauso at pinasikat ng “Bubble Gang” through the years tulad nina Angelina at Yaya, Cheche at Bureche, Sexballs at kung anu-ano pa. Ngayon dahil uso ang mga Korean Pop groups, nandyan naman ang bagong sibol na Wonderboyz na nagiging regular fixture na rin ng Bubble Gang every Friday. For this week din, nandyan ang Marriage Proposal gags at Ulalam commercial spoof. Sino ang Tata Twins at bakit sila pamoso sa kanilang Pick-Up Lines? Papansin naman Si Lolo at panay ang sabi ng Wazzup Doc. Nandiyan pa rin ang mga kinagigiliwan na Balitang News, Bat Ganun at Moymoy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply