Jinkee iritada sa mga nang-i-exploit sa kanyang mister

NAKAUSAP namin ang kontrobersyal na si Jinkee Pacquiao sa pictorial ng bago niyang endorsement na matutunghayan sa September issue ng “The Buzz” magazine. At doon, huma-nga kami sa pagiging prangka ng misis ng world boxing champ na si Manny Pacquiao.

Halimbawa na lang ay nu’ng tanungin namin siya kung may katotohanan ba ang narinig naming balita na nagko-comment daw siya ng ‘di maganda sa mga tinutulungan ni Manny.

“Minsan nag-aano ako pero hindi naman to the point na sinasabi ko na parang galit ako. In a nice way naman. Sobra naman kasi lalung-lalo na sa mga pulitiko na may pera naman na tinutulungan pa. Madami!

Huwag namang ganyan. Sabi ko sa kanya, marami pa r’yan na mas nangangailangan. Doon na lang sa mga hindi nakakalakad, may mga bulag pa d’yan, sa mga hindi nakakakain, may natutulog pa sa kalye. ‘Yun ang tulungan natin. Huwag na ‘yung may pera na,” pahayag ni Jinkee.

Hindi naman daw siya nagko-comment kapag mahihirap talaga ang humihingi ng tulong kay Manny. Alam naman daw ‘yun ni Manny. Pero no comment na si Jinkee kung sinu-sino’ng pulitiko ang tinutukoy niya.

***

AYAW naming maniwala na until now ay loveless pa rin ang Prince of Pop na si Erik Santos. Pero dahil sa ‘yun ang paulit-ulit na sinabi niya sa amin during our interview para sa nalalapit niyang concert on August 12 ((Friday) and 13 (Saturday) sa Music Museum entitled “PowER IKons,” e, ‘di sige.

Aminado naman si Erik na napaka-choosy naman daw kasi niya when it comes sa babaing mamahalin niya. Kaya nga siguro ‘di ganu’n kabilis main-love ang multi-platinum singing champion.

After Rufa Mae Quinto, wala nang na-link na taga-showbiz kay Erik. Suot-suot naman ni Erik ang anniversary gift sa kanya noon ni Rufa na expensive Swiss watch na Pamerai ang tatak habang kausap namin siya.

Mas focus kasi si Erik talaga sa kanyang singing career. He wants to pursue his dream bilang international singer. Lahat naman ata ng singer ‘yun ang pangarap. Pero bukod doon gusto rin sana ni Erik na kumuha ng Master’s Degree after he graduated on BS Psychology sa Centro Escolar University.

Anyway, ang PowER IKons ang first solo concert of the year ni Erik. Magbibigay tribute si Erik sa icons ng local and international singers sa concert na ang proceeds ay mapupunta sa Bosom Buddies Cancer-Foundation. This is his way of giving back para ma-i-share ang kanyang blessings at suporta sa breast cancer research. For tickets, contact Ticketworld at 891-9999.

Laking pasasalamat naman ni Erik kay Mr. Boy So ng La Carmela de Boracay sa suporta sa kanyang concert na prinodyus ng Record Breaker Events at ang Core Events na sariling business ng singing champ. Bukod sa event company niya, plano rin ni Erik na magtayo ng sariling music school.

“We’re planning to put-up ng co-‘champions’ ko (Christian at Mark Bautista). Pero ang maganda ngayon kasi I support ‘yung voice clinic ng Center for Pop Philippines para makapag-produce sila ng champions tulad namin nina Sarah (Geronimo), Angeline (Quinto) at ni Nina,” lahad pa ni Erik.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply