Joem Bascon napabayaan ang katawan nang off-line na sila ni Meryll Soriano

KUMUSTA na kaya si Meryll Soriano sa pag-aaral n’ya ng acting sa London? Ano kaya ang expectations n’ya from the film industry and from herself pagbalik n’ya dito sa bansa?

Biglang pumasok sa isipan namin si Meryl dahil malapit nang magsimula ang Cinemalaya Independent Film Festival kung saan nung mga nakaraang taon ay lagi siyang may isa o dalawang entries.

Paborito siya ng indie filmmakers at mas sikat nga siya bilang aktres sa mga tagasubaybay ng matitinong indie films (nadiskubre namin kamakailan na marami rin palang indie films na walang saysay at parang yung “pito-pito” movies lang sila noon).

Pampitong taon na ng Cinemalaya pero sa taong ito nga ay walang entry ang anak ni Willie Revillame at pamangkin naman ng ngayo’y kontrobersyal na si Maricel Soriano. Sa July 15 na magsisimula ang festival na may dalawang venues na ngayon: ang Cultural Center of the Philippines at ang Greenbelt Cinema sa Makati. Ang CCP ang original and main venue, of course. At sa July 16 pa, actually, magsisimula ang pagtatanghal ng entries at iba pang non-competing (o exhibition) films sa Greenbelt. Sa CCP, siyempre pa, idaraos ang opening ceremonies ng festival, at du’n din ipalalabas ang opening film, ang “Maskara,” na idinirek ni Laurice Guillen. Hindi kasali sa competition ang Maskara, at mistulang tradisyon na taun-taon ay hindi kasali sa kumpetisyon ang opening film.

Actually, halos taun-taon din ay hindi produkto ng Cinemalaya ang opening film. This year ay may dagdag na dahilan kung bakit di pwedeng maging competition film ang Maskara: si Laurice mismo ang festival director.

Dahil pitong taon na nga ang Cinemalaya, walang dudang maituturing na ito na major festival sa bansa, lalo pa’t ang entries rito ay madalas manalo sa mga respetadong award-giving bodies nitong mga nagdaang taon. Mas marami pang entries sa Cinemalaya na nanu-nominate sa iba’t ibang award-giving bodies kesa entries sa Metro Manila Film Festival na nagpapaka-commercial na.

May tatlong divisions na ngayon ang competing films: ang Directors’ Showcase para sa mga beterano na sa paggawa ng pelikula, ang Breakthrough para sa mga baguhan, at ang Short Films.

Nagagalak kami at may entry uli si Joel Lamangan, ang “Patikul,” at finally ay sumali na rin sina Adolf Alix at Jeffrey Jeturian na parehong award-winning indie film- makers sa international festivals.

“Isda” ang titulo ng entry ni Alix, at tungkol ito sa isang babaeng umano’y nanganak ng isang isda. Si Cherie Pie Picache ang gumaganap na babaing nag-aruga ng isang isda (malaking klaseng isda, di po galunggong, tilapia, o bangus) dahil yon ang ipinagkaloob sa kanya ng Panginoong Diyos. Unang pagkakataon pa lang ito na maididirek siya ni Alix. Mas identified si Cherie Pie kina direk Brillante “Dante” Mendoza at Jeffrey Jeturian.

Tungkol sa naghihikahos na buhay ang istorya ng Isda. Malamang na ni minsan ay hindi nagpa-prenatal check up ang pobreng babaing ginagampanan ni Cherie Pie kaya hindi n’ya napag-alaman kung ano ang nasa sinapupunan n’ya. Siguradong di siya nagpa-ultrasound habang buntis kaya hindi napag-alaman na hindi naman bata ang kumikilos sa tiyan n’ya.

Si Bembol Roco nga pala ang gumaganap na mister ng babaing umano’y nagsilang ng isda.

Tungkol naman sa pretensions ng isang middle-class family ang “Bisperas” ni Direk Jeffrey. At least, ibang-iba ito sa “Kubrador” na siyang nagpasikat muli nang husto kay Gina Pareńo. Nasa lead cast nito sina Tirso Cruz III, Shamaine Centenera-Buencamino at ilang young stars.

Going back to Meryl, alam n’yo na sigurong ang napakayamang ama n’ya ang nagpapa-aral sa kanya sa London. Dahil nag-break sila ni Joem Bascon bago siya pumunta roon, siguro naman ay di n’ya nami-miss ito. At siguro naman ay hindi ang paghihi- walay nila ni Meryl ang dahilan kaya parang napabayaan n’ya ang kanyang katawan. Kasali si Joem sa ngayo’y palabas nang “The Adventures of Pureza” bilang katrayanggulo nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Dumating siya sa press conference para sa pelikula at marami ngang nagulat na biglang bilog na bilog ang mukha niya.

Kailan kaya uuwi si Meryl? Malamang ay miss na miss na n’ya ang anak nila ng ex-husband n’yang si Bernard Palanca. At malamang ay alam din n’yang kontrobersyal ngayon ang tiyahin n’yang si
Maricel Soriano dahil sa bintang na pinagmalupitan n’ya ang dalawa n’yang katulong (na pinagbibintangan naman n’yang nagnakaw sa kanya).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply