‘Juaning’ nag-iwan ng 32 patay, 27 nawawala

NASA 32 na ang bilang ng mga namatay habang 27 naman ang naiulat na nawawala dahil sa paghagupit ng bagyong “Juaning.”

Base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pinakahuling biktima ng bagyo ay ang isang pulis na nalibing sa landslide sa Aguinaldo, Ifugao.

Ang nasabing pulis ay tumulong lamang sa pagsagip sa iba pang biktima ng landslide pero sa kasamaang-palad ay ito pa ang natabunan sa landslide.

Naitala ang pinakamaraming namatay ay mula sa Bicol Region na umaabot sa 23, siyam dito ay sa Albay, pito sa Camarines Norte, anim sa Catanduanes at isa sa Camarines Sur.

Tig-dalawa naman sa Cavite at Quezon na sakop ng Region IV-A, isa sa Marinduque at tig-isa rin sa Iloilo at Siquijor.

Isa rin ang naitalang namatay sa National Capital Region (NCR) na nagmula sa Las Piñas.

Nasugatan naman ang 36 at pinaghahanap pa ang 27 nawawala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply