Juaning nanalasa na sa kalupaan

TUMAMA na sa kalupaan ang bagyong Juaning dakong alas-9:30 Miyerkules ng umaga, Hulyo 27.

Taliwas sa napaunang ulat na una itong tatama sa Pulillo Island, unang binagsakan ni Juaning ang Casiguran, Aurora.

Humina rin ng bahagya ang lakas nito mula sa pagbugsong umaabot sa 100 kilometers per hour (kph) ay naging 95 kph na lang.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ding dadaanan ni Juaning ang bahagi ng Southern Aurora dakong 1:00 hanggang 3:00 ng hapon at tatawid ng Central Luzon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply