‘Juaning’ tatama sa kalupaan ng Polillo Island

INAASAHANG tatama sa kalupaan ng Polillo Island ang bagyong Juaning ngayong Miyerkules ng umaga, Hulyo 27.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon.

Bumagal ang kilos ni Juaning ngunit napanatili nito ang lakas. May dala itong hangin na umaabot ng 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot ng 100 kph.

Binabagtas ng bagyo ang pangkalahatang direksyon pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.

Sinabi rin ng PAGASA na inaasahan ding dadaanan ni Juaning ang bahagi ng Southern Aurora dakong 1:00 hanggang 3:00 ng hapon at tatawid ng Central Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply