Judicial system tutuunan ni PNoy sa SONA

PANGUNAHING pagtutuunan ng pansin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III para sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang judicial system sa bansa.

Gayuman kinumpirama ni Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Ronald Llamas na ilalatag din ng Pangulo ang kanyang medium at long roadmap para sa bansa sa kanyang SONA sa Hulyo 25.

Ilan aniya sa major reforms na dapat gawin ng gobyerno ay ang pagtuunan ng pansin ay ang judicial system, peace and order, disbursement of funds at iba pa na nangangailangan ng congressional intervention.

Ayon pa sa opisyal, dapat magkaroon ng regular na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting para ang bawat mambabatas ay mabigyan ng magandang pananaw sa kung ano talaga ang kinakailangan na reporma ang dapat gawin sa problema ng bansa.

Sinabi rin nito na kailangang kasama ang mga taga judiciary sa LEDAC meeting para malutas ang problema sa mga kasong hawak ng korte at maibigay na ang hustisya sa mga biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply