Kaalaman tungkol sa mga sakit dapat isama sa curriculum

MAAARING maiwasan ang mga sakit kung mayroong wastong kaalaman sa pagprotekta sa sarili laban sa mga sakit na talamak lalo na kapag tag-ulan.

Nilalayon ng House Bill no. 4544 na inihain ni Manila Rep. Carlo Lopez na atasan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na isama sa kanilang curriculum ang paksa ukol sa mga sakit at kung paano ito maiiwasan.

Ayon kay Lopez, sandamakmak ang lumilitaw na sakit na galing sa pagkain at water-borne diseases, tulad ng bacterial diarrhea, hepatitis A at typhoid fever.

May mga vectar-borne diseases ding kasama ang dengue fever, malaria at Japanese encephalitis atleptospirosis.

Mayroon ding sakit na nakamamatay mula sa ibang bansa tulad ng E coli, foot-and-mouth disease, avian influenza, scarlet fever at swine flu.

Aniya, ang mga estudyante ang madalas nagiging biktima ng dengue, malaria at A[H1N1] kaya dapat malaman ng mga batang mag-aaral ang wastong kaalaman sa pag-iwas at paggamot sa ganitong mga sakit.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply