Kababaihan palalakasin, diskriminasyon sa aalisin

PINAIGTING pa ng Technical Education Skills and  Development Authority (TESDA) at United Nations Population Fund (UNFPA) ang pagtanggal ang diskriminasyon laban sa kababaihan  sa technical vocational education and training (TVET).

Nakatakdang isapinal ng TESDA ang gender-sensitive training curriculum at training materials para sa trainees at trainers sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan sa UNFPA na nagbigay ng kabuuang $89,083 grant.

Alinsunod sa Letter of Understanding, nagkasundo ang TESDA at UNFPA na magkaisa sa pagpapatupad ng Joint Program on Youth Employment and Migration (YEM) para palakasin ang TVET  sa tinatawag na gender-sensitivity at life skills.

“Isang paraan ng pagpapalakas ng  kababaihan sa lipunan ang pagpasok ng gender dimension sa TVET,” ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva.

“Binuksan ng TESDA ang malawak na oportunidad para sa  kababaihan, marami na ang mga kurso para makapag-aral sila, kabilang dito ang mga itinuturo lamang noon sa kalalakihan. Ngunit, marami pang dapat gawin na ating ipinupursige at inaasikaso sa ngayon para higit pang mabigyan ng pagkakataon ang  kababaihan na umunlad ang buhay,” pahayag ni Villanueva.

Sa ilalim ng kasunduan,  isasapinal ng TESDA ang gender-sensitive modules at training materials, kabilang ang training tools para sa sexually-transmitted infections at HIV/AIDS.

Isusumite ang modules sa TESDA National GAD Council na pinamumunuan ni dating Sen. Leticia Ramos Shahani para pormal na mapabilang sa TESDA curriculum.

Gagamitin ang training tools sa pagsasanay ng TVET trainers sa mga piling lalawigan na YEM pilot sites na kinabibilangan ng Masbate, Antique, Agusan del Sur at Maguindanao.

Mahigit sa 20,000 TVET trainers ang inaasahang makikinabang sa proyekto kapag ito ay ipinatupad na sa buong bansa.

Isasasagawa ang unang yugto ng pagsasanay ng trainers sa Hulyo 18-22, 2011  sa Iloilo City, Masbate at Antique, ayon kay Marta Hernandez, executive director ng TESDA TVET System Development Office.

Mangangailangan ng kabuuang $1,260,875 ang Annual Work Plan ng TESDA para sa proyektong YEM kung saan magmumula ang $34,581 sa UNFPA regular funds habang sa Millenium Development Goals Achievement  Fund magmumula ang $54,502 at $37,791 naman sa TESDA bilang counterpart fund sa suweldo ng mga kawani na magpapatupad ng proyekto.

Tinukoy ni Villanueva na nabuo ang pagtutulungan ng TESDA at UNFPA mula sa tagumpay ng Gender-Responsive Economic Actions for the ransformation of Women (GREAT) Project kung saan naging katuwang ng TESDA,  ang Philippine Commission on Women (PCW) at Canadian International Cooperation Agency (CIDA).

Isang proyekto sa paglinang ng kakayahan ang GREAT Women Project na naglalayong makalikha  at suportahan ang gender-responsive enabling environment para sa kakayahang maghanap-buhay ang  kababaihan, partikular sa micro-enterprises.

“Mahalaga ang pagpapalakas sa  kababaihan sa pamamagitan ng gender sensitive education para magkaroon ng kasanayan, maging produktibong manggagawa, at magkaroon ng mas maayos na kabuhayan,” pahayag ni Villanueva.

“Ito ang layunin ng TESDA— ang mapabuti ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng paglinang sa kanilang kakayahan,” dagdag nito.

Si  Villanueva ang kinatawan ng TESDA sa paglagda ng kasunduan habang si Ugochi Daniels, Country Office Head, para naman sa UNFPA.

Kabilang din sa mga dumalo sa okasyon mula sa hanay ng UNFPA sina Ms. Florence Tayzon, Asst. Representative; Dr. Jacqueline Kitong, Programme Officer for Reproductive Health;  Jovanni Templonuevo, National Programme Professional Personnel on HIV/AIDS; Mr. Eduardson Flores, Programme Associate for YEM; at  Ms. Pearl Joy dela Cruz, Programme Assistant. Sina Executive Director Marta M. Hernandez, Division Chief Josephine Arriola, Ms. Ida Miape at  Ms. Glenda Galabin ng TESDA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply