Kagawad ng PNP todas, 2 sugatan sa pamamaril

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang kagawad ng Philippine National Police habang malubha namang nasugatan ang asawa nito at isa pang kamag-anak ng pagbabarilin ng dalawang suspek sa veranda ng kanilang tahanan sa lalawigan ng Cotabato, kagabi, sa ulat ng kapulisan Sabado.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr. hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan si SP02 Vic Matias, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Team-Cotabato Province Regional Criminal Investigation and Detection Unit 12.

Sugatan naman ang asawa nitong si Elly Matias at ang kamag-anak na si Antonio Celestial.

Sa ulat ni Gen Cruz, bandang 8:30 ng gabi ay tinapatan ng dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo ang mga biktima na kasalukuyang nasa balkonahe ng kanilang bahay sa Purok 4 Barangay Ponte Vera, Antipas ng nabangit na lalawigan at sunod-sunod na pinaputukan.

Kasunod ng naganap na pamamaril ay mabilis na nakaresponde ang mga tauhan ng Antipas Municipal Police Station at nadakip ang isa sa mga suspek na nakilalang si Antonio Asumbrado alyas Ronald Rodriguez.

Nakuha sa pag-iingat nito ang isang kalibre .45 pistola at dalawang hand grenade at ang ginamit na motorsiklo na walang plaka.

Target na rin ngayon ng manhunt operation ang isa pang nakatakas na salarin na tiyak na ituturo umano ng nahuling suspsek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply