Kagawad utas sa kapwa opisyal

Rizal— Patay ang isang kagawad ng barangay matapos pagbabarilin

ng kapwa niya kagawad sa harap mismo ng kanilang barangay hall nang mag-away sa isang birthday party sa Binangonan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si  Kag. Bernardo Belarga, 50, ng Cerafica st., Brgy. Tatala, nasabing bayan.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Kag. Elmer Paralejas, ng Aragones St., nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Froilan Quisquino , naganap ang insidente dakong 11:00 ng gabi sa harap ng barangay hall ng Barangay Tatala kung saan ay nakatayo ang biktima.

Bigla na lamang umanong nilapitan ng suspek at agad na pinagbabaril hanggang sa malugmok bago mabilis na tumakas.

Nauna rito, parehong imbitado sa birthday party ng isang Randy Jeca sa Purok 2 ang dalawang barangay official nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa suntukan.

Agad namang naawat ng hepe ng barangay tanod ang dalawa at umuwi na ang suspek habang nagtungo sa barangay hall ang biktima.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay kumuha lamang ng baril ang suspek at nang bumalik ay pinagbabaril na ang una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply