Kahit inginuso ang iba, korap binitay pa rin

KAHAPON tinalakay natin ang pagbitay ng Tsina sa dalawang vice mayor na kurakot at abusado sa kapangyarihan.

Sina Xu Maiyong ng Hangzhou City at Jiang Renjie ng Suzhou City.

Ang mga lungsod na ito ay mabilis na umuunlad at sumakay rito ang mga vice mayor na ito para busugin din ang kanilang mga bulsa.

Kunyaring nagpakita ng gilas ang dalawang kumag na ito sa pagtulong sa iba na gumawa ng mga proyekto pero kapalit pala nito ang panghihingi nila ng mga kikbak o tongpats.

Si Xu ay higit na wais dahil nakaipon ito ng halos P2 bilyon.

May kikbak na siya sa mga proyekto, may nakaw pa siya sa kaban ng bayan at diversion ng salapi ng gobyerno sa isang kompanya na kasosyo siya.

Itong si Jiang ay halos katumbas naman ng ating P728 milyong abono iskam ang kanyang kinorap.

oOo

Pero bigyan natin ng diin, Suki, ang ukol kay Jiang.

Nasilip ng mga kumrad ni Mao na hindi nag-iisa si Jiang sa kanyang kalokohan.

May mga kasama siya. Kaya naman piniga siya para ituga ang kanyang mga kasabwat.

Hayun, nagtagumpay naman ang mga kumrad ni Mao na kilalanin at ikulong ang mga ito.

Pero hindi nila pinatawad si Jiang. Binitay siya, kasabay ng pagbitay kay Xu.

Hindi naekskyus si Jiang sa krimen at kung ano ang nagawa niyang kakorapan, yun ang tinumbasan ng bitay.

oOo

Sa kasong Ampatuan massacre, may akusado na gustong tumakas sa pananagutan.

At inginunguso pa nga niya ang kanyang mga ama at kapatid na sila ang may sala, sabay sabing inosente siya.

Ano kaya ang mangyayari sa taong ito?

Inosente nga kaya siya o guilty sa masaker?

Eh kung guilty, ano ang gagawin sa kanya?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply