Kahit ooperahan, kaso kay GMA tuloy

TULOY ang kaso ni dating Pangulo ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kahit iisasailalim siya sa operasyon.

sa Lingguhang Ugnayan sa Batasan, tahasang sinabi ni House Deputy Speaker Erin Tañada tanging sa kamatayan lamang makaliligtas sa kaso ang sinumang opisyal na nasasangkot sa mga kasong kriminal.

Reaksyon ito ni Tañada sa tanong na kung may posibilidad na makaiwas sa criminal prosecution si GMA sakaling lumubha ang sakit o magresulta sa kumplikasyon ang isasagawang operasyon sa kanya.

Matatandaang dinala sa St. Lukes Hospital kahapon si GMA matapos sumama ang pakiramdam at ngayong umaga nga ay napaulat na isasailalim ang kongresista sa operasyon.

Kasabay nito ay sinabi ni Tañada na sana’y agad na gumaling ang dating pangulo.

“We’re hoping for the immediate recovery of the former president with the plan spine surgery.  Delicate iyan eh, one vein can render you paralyze,” ayon pa kay Tañada.

Nilinaw din ni Tañada na ang pagkakaluklok kay Supreme Court Retired Associate Justice Conchita Morales bilang bagong Ombudsman ay hindi nangangahulugan na tanging si GMA lamang ang dapat nitong habulin.

“Again it is not only GMA that the Ombudsman should concentrate on but all other cases that is brought to the office.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply