Kailan pa naging sikat ang gasgas?: Nadine Samonte pinagkakaguluhan na?

NAKATATAWA naman yung mga nababasa kong pralala ng TV5 na kesyo pinagkakaguluhan daw si Nadine Samonte sa kanyang mga mall shows in connection with “The Sisters,” ang buwena-mano niyang soap sa paglipat niya sa TV5. Sa true, gasgas na’ng beauty ng starlet na ito, and no matter how they write releases praising her to high heavens, hinding-hindi kami puwedeng maniwala.

For one, hindi naman kagalingang aktres si Nadine at kung sakali mang naging bida na siya sa ilang daytime soaps sa GMA-7, alam naman nating hanggang dun lang yun. Dahil sa true, if indeed, Nadine is a star at money-maker sa GMA 7, I doubt kung pakakawalan siya sa paglipat nito sa TV5. Inasmuch as they let her go easily, that is enough indication na talagang osla naman si Nadine at ngayon pa lang binibigyan ng importance ng TV5 ang career.

Pero too late the hero na sila kay Nadine, like we say, gasgas na sa mga out-of-town shows si Nadine na pinagsawaan na mula Jolo hanggang sa Aparri, dahil di naman ito nagpalampas ng mga road show sa mga pistahan.

Kahit na tanungin pa si Manny Vallester!

Hopefully now that she is tied up with TV5, mabantayan ang kanyang mga karaketan dahil mahilig tumakas si Nadine sa kanyang kontrata at mag-isang nakikipag-deal sa mga show sa mga pistahan sa nayon.
Kahit mababang presyo, okey lang sa kanya, kasi nga, feeling daw ni Nadine, tutal, ibibigay lang naman ang komisyon sa GMA 7 kaya ayun, linalampasan na niya ang kanyang management.

Pero teka, may management contract ba si Nadine sa GMA 7 bago ito lumipat sa TV5?

Ang alam ng marami, masyado lang siyang na-identify sa GMA 7 kaya parang it appeared na may kontrata siya sa naturang network.

We pray, and hopefully this could happen, sana naman, maging hit ang kanyang The Sisters para naman makabawi ang TV5 sa gastos sa kanya. But the way, things are, basta TV5, di pa gaanong umaalagwa.

Watching a soap opera at TV5 is not yet a habit kaya marami ang kakaba-kaba sa magiging resulta sa rating ng soap ni Nadine Samonte.

Heto ang tanong, wala na bang mas mataas ang stature sa starlet na si Nadine kung bakit siya’ng pinagtiyagaan ng TV5?

***

Fashionissimo organizers ayaw tantanan ng mga intriga

BARELY on its second year, di na talaga halos maabot ang Fashionissmo.  Fashionissimo is a competetion for young, talented and good looking Pinoy males na ngayon nga ay pinagkakaguluhan ng mga kontesero. Take note, this year, umaabot sa kalahating milyon ang papremoyo nila, thus making it the highest paying personality contest organizers in terms of prizes. At dahil nga mataas ang mga premyo nila, Some people can easily concoct intrigues para sila siraan, para siraan ang mga diskarte nila.

Like recently, may kumalat na intriga to the effect na they are trying to sabotage smaller contests para sa kanila mapunta ang mga cotnestants. Lumikha ito ng gulo pero nang magkaalaman sa totoo, pakulo pala ito at away ng ilang agents na sila sila ay nag-aaway sa mga talents na hina-handle nila.

To make a long story short, all’s well that ends well with Fashionissimo people. Yes, this columnist was invited in their go see to thresh things out and I am more than happy to note na madali naman silang kausap.

By the way, medyo mapili nga sila sa mga contestant nila dahil hindi nga naman biro yung kalahating milyong premyo na ipamimigay nila. Ginanap yung last go see nila sa Total Image Asia noong Linggo, and the contest is going to be this October yet. Judging from what I saw, talagang pinutakti sila ng maraming konteserong guwapo at mga de kalibreng ahente. Parang nakikini-kinita na namin, di rito nagtatapos ang mga intriga dahil nga nasa itaas na sila ngayon. Kumbaga sa puno, hitik na sila ng bunga kaya maraming bumabato sa kanila.

***

Marc Cubales is out to improve his craft

ACCIDENTAL singer lang pala si Marc Cubales. This means na huli na nang matuklasan niyang he can sing pala. Back in London where he is resident, he was into some sort of things like cloth modeling pero nang umuwi nga siya rito, hindi niya natanggihan yung maraming imbitasyon to perform in some shows. Karaniwan na yung front act siya sa mga show at obvious na nagugustuhan siya ng mga promoter.

“Kaya nga po, gusto ko talaga, i–improve ang singing ko, I am going back to London before the month ends. Magpa-sked po ako ng voice lessons doon para naman hindi ko ipahiya ang mga taong kumukuha sa akin,”sabi pa ni Marc when we talk to him very recently.

Sa ngayon nga kasi, Marc couldn’t backout from the scene because he could feel the demand sa kanya. “Kaya talagang I feel, I have a reponsibility to develop,” sabi pa niya.

Aside from local showbiz, Marc sked is kept busy ng commitment niya sa isang coop group in his hometown, San Mateo. He is the chairman of the board ng coop group na ito. Katulong ng iba pang may advocasies sa buhay, Marc is all out in supporting the coop that provides livelihood sa maraming taong nangangailangan.

Bihira lang naman yung mga taong katulad ni Marc na open sa pagtulong. Sana naman, mabiyayaan pa siya ng marami upang mas lalo pang makatulong sa kapuwa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply