Kaliwa’t kanang korapsyon sa FEO sa Camp Crame

ISANG reklamo ang natanggap natin mula sa isang concerned citizen kaugnay sa garapalang korapsyon sa Firearms and Explosive Office, Camp Crame, Quezon City at ating ibubulgar ngayon kasabay ng panawagan kay PNP chief Gen. Raul Bacalzo na aksyonan ito.

Matagal na umanong umiiral ang maling sistema sa FEO na pinagpipiyestahan ng ilang mga opisyal ng Camp Crame ang mga gun dealer.

Paging, Gen. Bacalzo: paanong maisusulong ng ating kapulisan ang ‘matuwid na daan’ ni Pang. Noynoy Aquino kung kayo mismong mga pulis na dapat katulong niya ang nagsisilbing  tagabaluktot nito.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo sa FEO.

Sir Johnny, gusto sana naming matigil na ang maling sistema nitong chief ng firearms license at chief ng record ng FEU Camp, Crame na sina Supt. Catiis at PCI Sarmiento sa garapalang panghihingi ng P200 bawat aplication purchase ng baril  sa dealer.  Walang pera, walang pirma at napakatagal pang pirmahan kahit may lagay na. Bukod dito, napakaraming major at PNCO ang FEO at walang ginagawa ang mga ito kundi magfixer at mangotong sa mga dealer at mga bastos pa.

Walang mga respeto! May major, taga-release lang ng baril sa storage. Dapat sana doon sila sa Bicutan para pakinabangan sila dahil lagi naming naririnig sa TV na kulang ang pulis natin.

Para sa gayon ay matuto sila ng trabahong pulis hindi ang pagpifixer  lang. Salamat po! Sana ay maaksyunan ninyo ito para maalis ang korapsyon sa Noy administration.

PADER PA RIN ANG SUGALAN NI SOLA

Patuloy pa rin ang operation ng loteng at VK ni Bong Sola sa Rizal. Hindi pa rin kumikilos si Rizal PD Gen. Manuel Cesar Prieto para buwagin ang pasugalan ni Sola. Kaya kaya ni Gen.  Prieto na mawala ang ‘tongpats’ niya?

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply