Kamag-anak ng brodkaster minasaker sa Negros Occ.

PATAY ang tatlong kamag-anak ng isang broadcaster makaraang pasukin ang kanilang bahay ng armadong lalaki at pagbabarilin ang mga ito sa Sagay City, Negros Occidental noong Biyernes, Hulyo 29, ulat ngayon ng Visayas Daily Star.

Nabatid na pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na si Romeo Corbo, driver ng Sagay City government na hinihinalang pumaslang sa mag-asawang sina Elsa Gasper Javellana, 67, at Ranulfo, 71; mga anak nilang sina Gina Javellana-Zaragoza, 48.

Pinaslang ang mga biktima sa mismong bahay ng mga ito sa Elija Subdivision, Sitio Albina, Barangay Poblacion 1, Sagay City.

Si Elsa ay tiyahin ng broadcaster na si Ferdinand “Bambi” Yngson.

Nabatid pa na nasugatan sa nasabing pamamaril sina Joseph Javellana, 35, anak ni Elsa at isa pang Ranulfo.

Ayon kay police chief Senior Inspector Gabriel Gutierrez , si Corbo ay siya ring pangunahing suspek sa pamamaril kay Yngson noong 2007 kung saan nakasuhan ito ng murder.

Matagal nang galit ang tinitingnang motibo sa pamamaslang.

Nabatid pa na inireklamo ng mag-asawang Javellana si Corbo sa Sagay City Hall dahil sa pag-ooperate ng videoke bar sa loob ng subdivision na lumilikha umano ng ingay.

Dahil dito, nakansela ang business permit ni Corbo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply