Kampante si Rayver sa pagmamahal ni Cristine, walang selos factor kay Derek!

HINDI si Rayver Cruz ang original choice para maging leading man ni Cristine sa “Reputasyon” kundi si Derek Ramsay. Nang hindi ito tanggapin ni Derek ay inalok din ito kay Jake Cuenca. Hindi rin ito tinanggap ng ex-boyfriend ni Melissa Ricks kaya napunta sa kanya. Ano ang masasabi ni Rayver na third choice lang siya?

“Natutuwa ako, happy ako. Hindi na importante kung pang-ilan akong choice. Natutuwa ako dahil napili nila ako. Masaya at nagpapasalamat ako sa magandang opportunity na ito. At least may show na naman ako. Mapapanood na naman ako ng tao,” aniya.

May pressure ba na sa dalawang mahuhusay na aktor unang inalok ang role niya?

“May pressure din naman, pero natutuwa ako na nag-i-evolve yung mga roles na ginagmpanan ko. Nakaalis na ako sa dating image na bagets, ngayon paseryoso na. Sa akin challenge yun, so pagbubutihan ko pa ang trabaho ko. Mas lalo ko siyang mamahalin at di ko sasayangin ang tiwalang binibigay sa akin ng ABS-CBN.”

Dinenay din ni Rayver na nagselos siya kay Derek Ramsay at nagalit kay Cristine nang magkasama sila sa dressing room tapos niyapos ni AA si Derek.

“Hindi ako ‘yung tipong magselos ng sobra sa isang lalaki na ‘wag ganyan, ‘wag ganun,” sey pa niya.

“Kahit tanungin niyo si Cristine, never ko siyang pinagalitan, never akong nagalit tungkol dun sa akap-akap kay Derek,” sey pa niya.

“’Yung kay Derek, hindi talaga ako nagselos. At saka kung ako si Cristine, pagkakataon ko nang akapin ‘yung muscles ni Derek, e, di akapin ko na rin,” tumatawa niyang pahayag.

“Idol ‘yun. Grabe,” dagdag pa niya.

Tsuk!

***

PUNO ng drama at tensyon ang naganap na ika-limang weigh-in at elimination ceremony sa “The  Biggest Loser Pinoy Edition” kung saan si Eric Limatog ang tinanggal ng mga kasamahan niya sa Biggest Loser Camp.

Nagbanta kasi si Eric na babalik siya sa rating pamumuhay kung siya ang matatanggal sa kompetisyon. Nagmatigas din ito nang subukang palakasin ang loob niya ng host na si Sharon Cuneta.

Ikinuwento pa ng Megastar kung paano niya tinanggap ang mga pangungutya sa kanyang pagtaba, at ibinida rin na nawalan siya ng 13 lbs. simula nang magsimula ang programa.

Pero ganun man ang ipinakitang asal noon ni Eric, mukhang nagbago na ang ihip ng hangin ngayon. Sa isang panayam, sinabi ng 22-taong binata na pinagsisisihan niya ang mga nasabi at ginawa noong huling gabi niya sa camp.

Taliwas sa kaniyang binitawang salita noon, patuloy siyang nagsisikap ngayon sa pagpapapayat.

“Gusto kong patunayan na lumalaban pa rin ako. Mas masipag na ako ngayon. Pati na rin ang mga pamilya, kamag-anak, at kaibigan ko, natuturuan ko sila sa tamang pagkain at sa tamang ehersisyo,” kuwento ni Eric.

Sa kanilang ika-pitong linggo kasi sa camp, mas madalas na silang dinadalaw ng pangungulila sa mga mahal sa buhay at maging ng pagod sa mga aktibidad.

Dagdag pa riyan ang mga twist sa show, tulad na lang ng pagsasara sa gym ngayong linggo. Alamin kung ano’ng gagawin ng mga bigating Pinoy para makapag-workout maski walang equipment na magamit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply