Kapamilya network may mahigit P1-B tax deficiency

TULAD ng karibal nitong GMA Network Inc., may malaking pagkakautang sa buwis din ang karibal nitong ABS-CBN Corp.

Katunayan ay mas malaki pa ang babayarang tax deficiency sa Quezon City goverment na Kapamilya network.

Batay sa mga dokumentong nakalap mula sa Office of the City Treasurer (OCT) na nilagdaan mismo ni City Treasurer Edgar Villanueva, may pagkakautang na P1,285,443,069.01 ang Kapamilya network sa lokal na pamahalaan ng Quezon City dahil sa hindi nabayarang mga business tax bilang contractor mula 2003 hanggang 2011.

Sa naturang halaga, P113,713,804.96 ang hindi nabayarang buwis ng ABS-CBN noong 2003; P145,822,912.41 noong 2004; P134,103,515.20 noong 2005; P121,929,415.71 noong 2006; P131,578,902.60 noong 2007; P177,481,440.73 noong 2008; P157,771,720.76 noong 2009; P142,431,242.73 nitong 2010; at P160,610,113.92 para ngayong 2011 sa kabuuang naturang halaga.

Ito ay base sa actual sales ng kumpanya na P7,051,718,912.28 noong 2003; P9,042,981,389.47 noong 2004; P8,316,197,066.66 noong 2005; P7,561,214,152.54 noong 2006; P8,159,631,944.03 noong 2007; P11,006,300,975.40 noong 2008; P10,927,611,394.80 noong 2009; P11,686,366,070.06 nitong 2010; at P16,161,724,042.49 para ngayong 2011.

Ayon sa legal counsel ng (OCT) na si Atty. Bonifacio Granada, kinukuwestiyun umano ng ABS-CBN ang kanilang assessment at dapat ay kahapon pa nagsumite ang kinatawan ng Kapamilya network ng talaan ng kanilang kinita kabilang ng kanilang subsidiaries o mga kumpanyang pinangangasiwaan din ng naturang korporasyon.

“The representative of ABS-CBN was supposed to submit the details of income, including the income of subsidiaries today (July 11) pero hindi ito naibigay,” sabi pa ni Granada kahapon.

Ipinaliwanag pa ni Granada na kahit na nagbabayad na ng franchise tax ang ABS-CBN matapos matalo sa kanilang apela sa Korte Suprema, kinakailangan pa rin na magbayad ng business tax ang network bilang contractors.

“They are liable to pay taxes (to the local government), including other business taxes,” giit pa ni Granada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply