Kapangyarihan at ginto ang gusto sa gobyerno

O NAGSAULI na ang mga obispo ng natanggap nilang mga sasakyan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Kahit pinakiusapan pa sila ng ilang senador na huwag na lang nilang isauli ang mga ito, nanindigan na ang mga obispo. Yung mga nasa Mindanao ay ibibiyahe na lang papunta sa PCSO.

Sino sa mga corrupt ang nakagawa na sa ginawa ng mga obispo?

Never heard, mga Bro.

Kung may gumawa man nito, kalahati lang ang gustong isauli. Pero ginawa ito makaraan silang mabuking o maidiin sa kaso.

Sa kaso ng mga obispo, hindi sila nag-antay ng kaso. Makaraan ang nakaiiyak na tsismis, pumiyok na ang mga ito at nag-”We are sorry” sabay sauli ng natanggap nila.

Tao lamang naman sila,  nagkakamali pero handang magtuwid ng pagkakamali.

EX-PGMA NAG-SORRY YUNG IBA, NEVER!

May nag-sorry noon sa pagkakamali, si Aling Gloria, dahil sa Hello, Garci na ukol sa pandaraya sa halalang 2007.

Yun bang === nginangakngak ngayon ni Zaldy Ampatuan ngayon.

Pero yung iba, hindi makitaan ng kahit katiting na konsiyensiya. Walang kagatol-gatol na sinasabi ng mga ito na mananatili silang inosente bilang  akusado hangga’t hindi sila napatutunayang nagkasala ng hukuman.

Masisiraan ka pa nga ng ulo sa pagdinig sa boses ng mga ito habang sinasabi nilang “I invoke my right against self-incrimination” o “I invoke my right to privacy.”

Yung iba…nagsasauli naman pero kalahati lang. Di ba, General Carlos Garcia?

Yung iba, nagsu-suicide na rin lang para matigil na ang usapan.

SILIPIN DIN ANG IBA

Habang binabanatan ang mga obispo, nakapagtatakang walang bumabanat sa ibang mga grupo ng relihiyoso.

Sa sumbong ng ating uzi,. iba ang gusto ng iba. Halimbawa, ipinipilit nila ang kanilang mga miyembro na maging heneral at pumuwesto sa mga juicy at makapangyarihang posisyon sa pulisya at militar.

Nagaganap din ito sa mga makapangyarihang posisyon gaya ng Ombudsman, Korte Suprema, mayayaman na government owned and controlled corporations, departamento ng gobyerno at iba pa.

Mas matindi ito kaysa ang mga ibinibintang sa mga obispo.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply