Kapatid ng reporter tinangayan ng laptop

NINAKAWAN ng mga hindi nakikilalang salarin ang bahay ng mga kapatid ng isang reporter ng ABS CBN sa Malate, Maynila, kaninang madaling-araw, Hulyo 3, 2011.

Sa naturang insidente, natangay ang dalawang laptop na nagkakahalaga ng P80,000 nina Lester at Jasper Chua, kapwa estudyante at mga kapatid ni ABS CBN reporter Ryan Chua.

Base sa ulat ng pulisya, bandang 3:00 ng medaling-araw nang pasukin ng dalawang salarin ang inuupahan nilang apartment sa 1624-C sa Agoncillo St., Malate.

Nabatid na dumaan sa likod ng apartment ang dalawang suspek na ang isa ay sinita pa ng kapitbahay ng mga biktima.

Sa report sa pulis, naglabas pa ng ID ang sinitang salarin na kung saan ay nakalagay ang pangalang Jun Coronel at kamukha rin ng suspek ang nasa larawan ng ID.

Napag-alaman din na hindi lang ito ang insidente ng nakawan sa naturang lugar dahil may mga nauna nang panloloob sa mga residente roon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply