Kapitan, driver patay sa ambush, 2 malubha

PATAY ang isang barangay captain at driver nito, habang dalawa pa ang nasugatan makaraang tambangan sa Bukidnon nitong Sabado.

Batay sa report ng Provincial PNP, Linggo ng umaga, limang di kilalang armadong lalaki ang humarang sa convoy ni Barangay Chairman Fernando Nu-ol habang tinatahak ng Sitio Libertad, Barangay Dominorog, Bayan ng Talakag,

Dead on the spot si Chariman Nu-ol at driver nitong si Cito Aranas bunga ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dalawa sa kasamahan ng mga biktima na kinilalang sina Editha Aranas at David Palacio ay malubhang nasugatan nang paulanan sila ng bala ang sinasakyan bandang 5:00 ng hapon

Batay sa report, galing ng Cagayan de Oro City ang mga biktima at binabaybay ang bayan ng Talakag nang tambangan ng mga armadong suspek.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng awtoridad ang motibo ng pananambang at patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply