Karapatan ni PNoy ang manigarilyo

NOONG ibinoto si Noynoy para sa pagka-Pangulo ng ating bansa, mayroon bang nagreklamo sa kanyang pagsisigarilyo?

Eh bakit ngayon, wala nang ginawa ang mga anti-smoking advocates kundi batikusin si PNoy sa pagsisigarilyo?

Ngayong hinirang ni PNoy ang best friend niyang si Mar Roxas bilang bagong secretary of transportation and communication, mayroon ba kayong narinig na reklamo tungkol sa kanyang paninigarilyo? Wala.

May narinig ba kayong reklamo na si Chiz Escudero ay halos isang chain smoker na ngayon? Wala rin.

Bawal manigarilyo dahil ito ay masama sa kalusugan. Totoo ‘yan, pero bakit tambak-tambak ang mga doktor na naninigarilyo sa tabi ng mga medical center at iba pang mga ospital?

Ah, dahil siguro si Mar, si Chiz, ang mga doktor at iba pang mahilig manigarilyo ay hindi Pangulo ng Pilipinas. Kung ganoon, bakit sa umpisa pa lamang ng pangangampanya ni PNoy sa pagka president ay hindi agad kayo naglunsad ng isang campaign against his smoking habit?

Kung gusto talaga ng pamahalaan at ng mga anti-smoker na matigil ang paninigarilyo, dapat ay gumawa sila ng batas criminalizing smoking, manufacturing and planting of tobacco.

Hindi nila ito magawa sapagka’t mayayaman ang may-ari ng mga cigarette factories at mayayaman din ang may mga plantasyon ng tobacco. Ang kawawang magsasaka, na kadalasan ay hindi kanyang ari ang lupa, ang ginagawang dahilan kung bakit hindi puwedeng ipagbawal ang pagtatanim ng tabako. Mawawalan daw sila ng livelihood.

Dapat sana ay maging patas tayo sa lahat ng bagay. Bigyan ng space ang mga naninigarilyo dahil sila ay biktima lamang ng mga tobacco planters and manufacturers.

At bigyan din ng sariling space ang mga ayaw makalanghap ng sigarilyo para wala tayong away.

Katulad ni Francis Tolentino. Napaka-unfair niya. Gusto niyang sa mga sidewalk comfort rooms mag-smoke ang mga smoker. Binabastos ba ni Tolentino ang mga naninigarilyo?

Sana naman ay mag-isip itong si Tolentino ng ibang idea. Tiyak ko na siya ay may angking karunungan at modo.

At sana naman, manghuli ka naman ng mga sasakyang smoke belchers. Huwag kang matakot sa mga bus company, kaya mo ang mga ‘yan, kaibigan. Huwag kang matakot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply