Karneng baka mula Japan ipinagbawal

IPINAGBABAWAL na ng gobyerno ng Japan ang pag-iimport ng karne ng baka mula sa Fukushima bunsod ng radiation na natagpuan sa mga karne ng naturang hayop.

Ang Fukushima ay ang lugar kung saan naroon ang Daiichi nuclear plant na sinira ng tsunami sanhi ng nuclear crisis at hanggang ngayon ay patuloy ang pag-leak ng radiation.

Ipinahayag ni chief government spokesman Yukio Edano na sinabihan na nila si Fukushima Gov. Yuhei Sato na itigil ang shipment ng mga karneng baka.

Ayon pa sa ulat, higit 650 baka na ang nagpositibo sa radiation.

Ini-export ang mga karne ng baka mula Fukushima sa halos 47 prefectures ng Japan at ang iba sa mga kontaminadong karne ay sinasabing nakain na.

Nakuha ng mga baka ang radiation mula sa kinakaing dayami sa Fukushima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply