Kartel sa NFA

UMUUGONG na naman ang balita na ang kartel sa bigas na dati nang namamayagpag sa National Food Authority (NFA) ay gusto na naman daw solohin ang pag-aangkat ng bigas para sa ating bansa.

Ipinaubaya na ng liderato ni Lito Banayo ng NFA sa pribadong sektor ang pag-angkat ng bulto ng bigas upang mas mapahusay ang kompetisyon ng mga umaangkat — the more, the merrier ‘ika nga — sa layuning maibaba ang presyo ng bigas sa pamilihan…konsumer ang makikinabang.

Tinanggap ng mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon ang diskarte ng NFA. Sabi nga’y the chaff was winnowed out, the grains remained in such a process. Lumitaw ang mga lehitimong magbibigas na gustong makinabang dito.

Sanhi ng magandang ani kahit sunod-sunod ang mga bagyong dumating, malaki rin ang ibinaba ng angkat na bigas sa pamumuno ni Banayo — mula sa mahigit na 2 milyong metriko tonelada nitong mga nakaraang taon, malaki ang nabawas…higit sa 800,000 metriko tonelada na lang para sa 2011.

Napawi ng NFA ang umiiral na hinuha na pawang mga kasapi na naman ng kartel sa bigas ang muling magpapasasa. Alam naman natin na mas madaling “ayusin” kapag gobyerno ang namahala sa pag-angkat ng bigas.

Mas mahirap “lutuin” kung maraming nasa pribadong sektor ang magtutustos-puhunan at haha-ngo ng angkat na bigas. Umaani na si Banayo ng mga papuri sa mga ipinapatupad niyang hakbang sa NFA. Pero na hindi pa man nag-iinit ang mga inilatag niyang mga pagbabago, meron ng mga pilit na sumasabotahe sa mga ito.

Nakarating sa amin na ang mga bagong namumuhunan sa programang ito ni Banayo ang pinahihirapan at sinisiraan ng mga matagal nang nakalublob na galamay ng kartel sa bigas sa NFA… kasabwat pa rin ang ilang tiwaling opisyal nito.

Kahit may ilalarga kang kapital pero hindi ka kabilang sa mga galamay ng kartel o hindi nakatimbre sa kanila, daraan ka sa butas ng karayom, at hinahanapan pa ng butas upang madiskwalipika.

Nariyang siraan ang mga ba-guhan na hindi sila lehitimo sa ne-gosyo – kaya hindi dapat maisali sa mga aangkat ng bigas. Pati katiting na alingasngas — na hindi raw NFA-accredited ang mga bodegang ginagamit ng mga baguhang negos-yante kaya ipinapasamsam pa ang kanilang imbak na bigas sa mga tauhan ng PNP-CIDG.

Kung ganito ang gagawin ng pulisya, Mr. Administrator, sino pa ang maglalakas-loob na mamuhunan sa ating bayan? Natural na maririnig natin ang ganitong balibagan at kulapulan ng putik ng mga magkakaribal sa negosyo — lalo na kung malaking kontrata’t limpak na kita ang pinaglalabanan.

Sana lang, hindi magpagamit ang ilang ahensya ng ating pamahalaan sa pagpanig sa kung sino man. Parehas dapat ang labanan ‘ika nga.

Dito masusukat kung talagang sinusunod ng mga tauhan ni PNoy ang tuwid na landas… lumalakas kasi ang kutob namin na ang tuwid na landas, ‘yung nangyari sa Nor-way, mwa-ha-ha-ha-haw!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply