Kasambahay Bill iprayoridad — Solon

UMAPELA si Cagayan Rep. Jack Enrile kay Pangulong Aquino na sertipikahang “urgent” ang Kasambahay Bill.

Ayon kay Enrile,  dapat na maging prayoridad ng Kongreso sa pagbabalik sesyon simula sa July 25 ang nasabing panukala para maibigay sa mga kasambahay ang kanilang karapatan katulad ng nakatakda sa International Labor Organization’s (ILO) new rules bilang proteksiyon sa household helpers.

Binigyang diin ng mambabatas, pangunahing may-akda sa  House Bill No. 553 o Magna Carta for Household Helpers o Batas Kasambahay na matagal nang dapat naipasa ang panukala dahil matagal na niyang isinusulong ito mula pa noong 1998 dahil napapanahon aniya ang pagbibigay ng benepisyo sa mga kasambahay.

Ani Enrile, kahit kailan ay hindi naging prayoridad ng gobyerno ang Kasambahay bill gayung aktibong miyembro ng ILO ang Pilipinas.

Nitong nagdaang Hunyo lamang ay nagsagawa ang ILO ng annual conference  para isulong ang karapatan ng household helpers na magkaroon din ng basic labor rights tulad ng ibang mga empleyado.

Sa ganitong paraan ayon kay Enrile ay mabibigyang proteksyon ang karapatan ng mga kasambahay dahil bilang mga Pilipino kinikilala aniya ang mga kasambahay bilang “extensions of the Filipino family.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply