Kasambahay ginahasa ng negosyante sa harap ng anak

UMIIYAK na dumulog sa pulisya ang isang yaya nang gahasain umano siya ng kanyang amo sa harap mismo ng kanyang inaalagang dalawang taong gulang na bata sa Naga City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Jessa ay namamasukang kasambahay sa isang kilalang negosyante sa Camarines Sur, pansamantalang itinago ang pagkakilanlan habang hinihintay pa ang resulta ng medical examination ng biktima.

Ayon sa biktima, nagpapaalam na siya sa kanyang amo na aalis na pero hindi ito pumayag.

Lalo pang nagalit ang salarin nang sabihin niyang hindi na siya babalik dahil ang ina naman niya ang magtatrabaho.

Dahil dito, basta na lamang umano siyang hinubaran ng suspek at hinalay sa harap ng kanyang alag.

Hindi umano makapanlaban ang biktima nang tutukan siya ng baril ng salarin at binantaang papatayin.

Makaraan ang pangyayari ay nagpumilit siyang makatakas ang biktima at diretsong dumulog sa himpilan ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply