Kasinungalingan ni Marian Rivera ibubukong lahat ni Heart Evangelista

NASA data gathering stage ngayon ang kampo ni Heart Evangelista upang mangalap ng mga ebidensiya para nga masabi na nila’ng katotohahan tungkol sa mga kasinungalingan ni Marian Rivera.

Itinaon kasi ni Marian na wala sila sa Pinas bago ito naghabi ng mga kasinungalingan at imbentong kuwento upang mapalabas na sinungaling si Heart.

This is regarding the airport incident na noon ay pinagpistahan ng press. At posibleng umabot pa nga sa korte ang naturang usapin.

Itutuloy ng mother ni Heart Evangelista, na si Cecile Ongpauco, ang planong press conference para linawin ang lahat ng isyu tungkol sa nangyari sa pagitan ng kanyang anak at ni Marian Rivera sa set ng “Temptation Island.”

From a reliable source, nakipagkita na raw si Mrs. Ongpauco sa mga taong dapat kausapin sa GMA7 para maprotektahan naman si Heart sa mga maling kuwento against her daughter.

Dagdag pa ng source, pinapaipon na ni Mrs. Ongpauco ang lahat ng write-ups sa mga dyaryo at magazines tungkol sa insidente sa airport ayon sa mga sinabi ni Marian sa press conference ng Temptation Island.

Pati nga raw ang VTR kung saan na-record ang  mga sinabi ng actress sa presscon ay humihingi ng kopya ang mother ni Heart bilang ebidensiya na nagsinungaling si Marian para masiraan sa publiko ang anak.

Ngayong nandito na si Heart, handa na raw nitong tuparin ang pangako na magsasalita na at sasabihin ang totoong nangyari sa kanila ni Marian.

May mga tao na kaming nakausap hinggil sa tunay na nangyari. May kinalaman nga sa selosan ang isyu at yung ginawa nga ni Marian ay tatak na niya. Gaya ng ginawa niya kay Bela Padilla noon, hinarass-harras daw ni Marian si Heart.

Tiyak na madaradagan pa ito dahil nga mismong si Heart na’ng magsasalaysay sa mga tunay na pangyayari.

Abangan kung paano hinabi ni Marian ang mga kasinungalingan niya upang ilabas ang sarili sa mga karumal-dumal na ginawa niya kay Heart Evangelista!

***

Joshua, Bimby pinamanahan na ng bahay ni Kris Aquino

FINALLY ay natapos na rin ang condo unit na titirhan ni Kris Aquino at ng dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James sa Makati. Exclusive at una niya itong ipinakita sa kanyang morning show na “Kris TV” last Friday.

Si Boy Abunda ang nag-interview kay Kris habang nagtu-tour sila sa bawat sulok ng bahay at sa totoo lang, nalula kami sa laki nito.

Buong 12th floor ng building ang binili ni Kris kaya paanong hindi lalaki? ’Yung isa ay Laguna unit at ’yung isa naman ay Forbes unit.

Sa umpisa pa lang ng tour ay in-explain na ni Kris na noong naging okey na ang hatian nila ng properties ng asawang si James Yap ay ipinangalan na niya agad ang Laguna unit sa panganay na anak. ’Yung kabilang unit naman ay nakapangalan sa bunso.

Kaya nga ang dalawang master’s bedroom nito ay tig-isa raw sina Josh at Bimby dahil sa kanila ang mga unit at lumalabas na nakikitira lang siya.

But mind you, apat ang kusina ng bahay at isa rito ay si Kris lang ang allowed pumasok which is kitchen No. 3 at tinawag niyang Krissy’s Kitchen na siyang nagdudugtong sa Forbes unit ni Bimby.  Ayon sa Queen of All Media, exclusive raw sa kanya ang kitchen na ito at dito siya nagluluto.

Nang tanungin ni Kuya Boy kung ano ang special sa Krissy’s kitchen, sagot ni Kris, “coz it’s pink.”

Kakaiba naman ang room ni Josh na may malaking customized jeepney bed. Siyempre, yellow ang kulay ng jeep.

Kris is proud to say na halos lahat ng furnitures niya sa naturang bahay ay Philippine made tulad na nga lamang ng jeepney bed ni Josh na from Antipolo ang mga parts at sa mismong kuwarto raw ito ginawa.

’Yung isa naman niyang dining set ay made in Cebu.

“It doesn’t have to be German or Italian made ang furniture to be beautiful. Puwede talaga na Philippine made is equally beautiful and world class na,” sey ni Kris.

Ang room naman ni Bimby, ayon nga sa description ni Kris, ay parang isang malaking toy store dahil sa rami ng mga laruan. Naka-arrange lahat ang mga toys at mayroon pang kanya-kanyang boxes ang mga hindi na ginagamit at puwede nang i-donate.

Katuwa rin ang mga school bags ni Bimby na naka-hang ng sunud-sunod sa wall. That way, nakaka-save pa raw ng space.

Pinakagusto namin ang kanyang room na simpleng-simple lang at mas maliit compared sa kuwarto ng dalawang anak. Pati ang banyo nito ay walang bath tub at shower lang ang nakalagay. Pero cute at elegante.

May dalawa ring guest rooms sa bahay na parehong malalaki rin.

Very prominent sa bahay ni Kris ang mga libro. Sa bawat sulok yata ng area ay may mga books kang makikita. Sa isang area nga ay ginawa niyang wall ang book shelf and sa center table ay naka-coordinates pa ang cover ng book sa kulay ng wall and curtains.

Halata ring mahilig si Kris sa paintings na hindi naman kataka-taka dahil ang yumao niyang inang si former President Cory Aquino was a painter herself.

Dahil very girly ang concept ng house, marami nga raw ang nagsasabi sa kanya na mukhang wala na siyang planong mag-asawa ulit. Pero ani Kris, if ever na magkakaroon siya ulit ng minamahal at makakasama sa buhay, ipagpagawa na lang daw siya sana ng sariling bahay kahit maliit lang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply