Kaso ng AIDS lumalala

NAKAPAGTALA nanaman ng panibagong pagtaas ng kaso ng mga nagkakaroon ng sakit na HIV-AIDS.

Ayon kay Dr Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center ng DOH, sa buwan pa lamang ng Mayo 2011 ay nakapagtala na ang kagawaran ng 184 na bagong biktima ng nakahahawang sakit.

Pinaliwanag ni Dr Tayag na ang naturang bilang ay mas mataas ng dalawang porsiyento kumpara sa katulad na petsa o Mayo 2010 na umaabot lamang sa 153.

Nabatid kay Tayag na sa nabanggit na bilang 83 porsiyento ay nagkakaedad nang mula 20 hanggang 29, dalawa naman ang kumpirmadong may HIV na may edad na 28 at 35 at nakuha ang impeksiyon sa bisexual contact.

Limampo’t dalawang porsiyento ng bagong kaso ay galing sa National Capital Region na dito pinakamarami ay mula sa Quezon City habang 30 ay pawang overseas Filipino workers o OFWs.

Sa kabuuan, mula Enero hanggang Mayo 2011 ay mayroon ng 838 kaso ng HIV/AIDS na dito ay 12 na ang kumpirmadong nagtataglay ng AIDS sa pamamagitan ng sexual contact.

“We are not just alarmed, but it just show that many of our people, especially in risky-behavior are not minding the dangers brought by HIV/AIDS”, sabi sa panayam kahapon July 3, 2011 ni Dr. Tayag.

Napuna rin ng doctor na maging ang mga taong nais gumamit ng protection gaya ng condom ay nakakalimutang maglagay lalo na kung nasa kainitan ng sexual emotions.
“They have to keep guard on their emotions or have presence of mind before having the actual sexual contact”, paliwanag pa ni Dr Tayag.

Kaugnay nito, nananawagan si Dr. Tayag na iwasan ang pakikipagtalik sa maraming partner at palaging gumamit ng proteksiyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply