Kaso ng dengue mas tataas — DoH

NAGBABALA ang Department of Health sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ayon sa isang panayam sa Unang Balita kay Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center ng DOH, maging maingat sa paglobo ng kaso ng nakamamatay na dengue.

“We were advising the whole country to brace for another bad dengue situation… historically, ang pagtaas nga mga kaso ay nangyayari sa August, September, at October,” dagdag pa ni Tayag.

Nabatid pa sa GMA News na lumobo na sa mahigit 8,000 ang kaso ng dengue sa Metro Manila.

Samantala, umabot na rin sa 900 ang kaso ng dengue sa Batanes habang isa na ang nasawi sa Laoang, Ilocos Norte.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply