Kaso ni GMA maagang dedesisyunan

SINIGURO ni Prosecutor General Claro Arellano, ng Department of Justice (DoJ) na maaga nilang dedesisyunan ang tatlong plunder charges ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Matatandaang bukod sa kasong pandarambong ukol sa OWWA fund, ang umano’y maanomalyang pagbenta ng old Iloilo airport property noong 2007 at ang sinasabing diversion ng P1.6-billion fertilizer funds para magamit sa 2004 presidential bid.

Dahil dito, sinabi ni Arellano na isasalang nila ang naturang mga kaso sa speed process upang makaakyat na sa korte ang may probable cause, habang mabasura naman ang mga walang sapat na batayan.

Matapos ang napakaagang pagharap sa Department of Justice (DoJ) para panumpaan ang kanyang counter-affidavit sa kasong plunder na inihain ni dating Solicitor General Frank Chavez, hindi na sinipot ni Rep. Arroyo ang nakatakdang preliminary investigation sa kaso.

Ayon kay Atty. Benjamin Santos, abogado ni Arroyo, hindi naman obligado ang kaniyang kliyente na humarap sa bawat preliminary investigation, dahil maaari namang maging kinatawan ng respondent ang kaniyang legal counsel.

Dahil dito, si Santos na lamang ang naghatid ng iba pang mga kopya ng affidavit at supporting documents na umaabot ng halos isang kahon.

Nanindigan naman ang kampo ni Arroyo na wala nang bago sa mga argumento ni Chavez dahil rehearse lamang ang mga ito sa mga naunang reklamo sa Office of the Ombudsman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply