Kaso ni Jose Pidal ‘di pa tapos — Lacson

HINDI pa tapos!

Ito ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na tumayong guest speaker sa ginanap na regular Monday flag raising ceremony sa Camp Crame, Lunes ng umaga.

Ayon kay Lacson, handa siyang patunayan na si Iggy Arroyo ay  hindi tunay na si Jose Pidal.

“Pagdating ng investigation doon namin ilalabas kung bakit hindi si Iggy Arroyo ang tunay na Jose Pidal. Walang closure yun eH. may ebidensya. May bagong ebidensya,” ani Lacson

“I’m not for those who would dare say na I’m in a time warp ang sasabihin ko lang, hindi kasi walang resolution itong mga issues na ito at patuloy na nalilinlang yung ating mga mamayan kung sino talaga ang tunay na Jose Pidal.

Sinabi pa ng senador na dapat lang itama ang ganung paniniwala kasabay ng pahayag na may kaugnayan ito sa mga Arroyo.

Magugunitang naging malaking isyu ang nasabing Jose Pidal Account nang ilantad sa senado ni Lacson ang umanoy  multi-billion account ng mga Arroyo na inuugnay sa dating First Gentleman Jose Mike Arroyo subalit inako ng kanyang kapatid na si Congressman Iggy Arroyo.

Kaya kinailangan pang ipasuri ang nasabing pirma sa mga “question documents at specimen signatures experts ang nasabing lagda na may kaugnayan sa nasabing bank account.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply