Kaso sa Fraport ipinatutuloy ng CA

IPINATUTULOY na ng  Court of Appeals (CA)  sa Makati RTC  Branch 147 na isailalim sa paglilitis  sa  P100-million damage suit na isinampa ni dating  Presidential Adviser on Strategic Projects Gloria Tan Climaco laban sa Fraport AG, kaugnay sa  Ninoy Aquino International  Airport  (NAIA) III.

Ito ay makaraang ibasura ng CA Special Fifth Division ang petisyon for certiorari na inihain ng Fraport laban kay Tan-Climaco

Inakusahan ng Fraport AG ang law firm na Carpio, Villaraza, Cruz law office o mas kilalang “The Firm” at si Climaco  na pang-blackmail at bribery.

Sa  24-pahinang desisyon ng CA Special Fifth Division, ibinasura ang petition for certiorari na inihain ng Fraport laban kay Tan-Climaco.

Sabi ng CA hindi “immune from suit” sa Pilipinas ang Fraport at hindi daw sakop ito ng confidentiality rule ng international arbitration.

Kasama sa respondent sa petisyon ng Fraport si datng  Presiding Judge Maria Cristina Cornejo of the Makati City Regional Trial Court, Branch 147.  Kinuwestiyon ng Fraport AG ang desisyon ni ng Hukom ng ibasura nito ang omnibus motion to dismiss.

Maging ang motion for reconsideration ng Fraport ay dismissed din ng Makati RTC noong August 28, 2007.

 

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply