Kasong plunder isasampa ng Ombudsman vs Gloria

IKINASA na ng Ombudsman ang kasong plunder kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, dating Philippine Sweepstakes Office (PCSO) general manager Rosario Uriarte at PCSO public relations and publicity department manager Manuel Garcia hinggil sa paglulustay sa P325-milyon intelligence fund ng ahensya, ayon sa kahilingan ng Senado .

Kasabay nito, bumuo na rin ang Office of the Ombudsman, sa pangunguna ni acting Ombudsman Orlando Casimiro, ng panel para manguna sa imbestigasyon.

Sa ipinalabas na kalatas ng Tanodbayan, sinabi ni Casimiro na tinitingnan na nila ang mga aspeto ng kaso.

Pangunahing obhetibo ng fact-finding investigation na mapag-alaman ang mga detalye ng intelligence fund at kung paano ito ginastos ng mga dating opisyal.

Iimbestigahan si Garcia ayon sa reklamo laban sa kanya ng dalawang advertising agencies hinggil sa paghingi niya ng halos P29 milyon bilang kapalit ng advertising placements at commercials.

Samantala, posibleng madikdik ang dating Pangulo dahil sa pahayag ni Uriarte, na umaming may malalaking halagang ibinigay siya kay Ginang Arroyo na nagamit sa ibang bagay na hindi nakalaan ayon sa naaprubang budget.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply