Kasong plunder isinampa vs Pasay City officials

MALAMANG na maubos ang opisyal sa lungod ng Pasay sakaling mapatunayan ng Office of the Ombudsman na nagkasala sa kasong pandarambong ang kasalukuyang mayor, vice mayor at mga konsehal.

Ang nahaharap sa kasong plunder na isinampa ng anak ng dating alkalde Jovito Claudio na si Joven “Jojie” Claudio laban sa kasalukyang mayor na si Antonino Calixto, kasalukuayng vice mayor na si Marlon Pesebre, kasalukuyang congresswoman na so Emi Calixto-Rubiano at mga konsehal na sina Richard
Advincula, Ian Vendivel, Luisa “Bing” Petallo, Lex Ibay, Edith Vergel de Dios, Reynaldo Padua, Jonathan Cabrera at Noel “Onie” Bayona.

Ang kasong plunder ay isinampa nang matuklasan na ang kabuuang halagang P52 milyon na ibinigay na financial assistance ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga nabanggit na opisyal ay kuwestiyonableng inilipat sa Asenso Manileño Foundation na nasa No. 2427 Pinoy st., Balut, Tondo, Manila na pinamumunuan ni Abraham Cabocha.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Claudio, simula noong February 2008 hanggang September 30, 2010 ang PAGCOR ay nagbibigay ng P1.6 milyon para mga konsehal na may kabuuang P51.2 milyon.

Bukod sa tinatanggap na P1.6 milyon, nagbibigay din ang PAGCOR sa mga opisyal ng halagang P250,000.00 monthly financial assistance na may kabuuang P7 milyon mula June 2008 hanggang September 30, 2010.

Ang miyon-milyong halaga ay hindi idinaan sa tanggapan ng Commission on Audit (COA) at walang pahintulot na inilipat sa Asenso Manileño Foundation na hayagang isang paglabag sa Sec. (e), (g) at (j) ng Republic Act 3019, Article 217 at 218 ng Revised Penal Code.

Hanggang sa kasalukuyan hindi umano maipaliwang ng mga nabanggit na opisyal kung bakit sa Foundation inilagak ang malaking halaga ng salapi sa halip na sa kaban yaman ng lunsod para pakinabangan ng naghihikahos na pamilya.

Nauna rito, hiniling na ni dating Mayor Peewee Trinidad sa mga opisyal na magbigay ng accounting kung saan napupunta ang malaking halagang ibinibigay ng PAGCOR pero hindi umano pinansin ng mga naturang opisyal.

Hiniling din ni Claudio sa Ombudsman ng Fact Finding Investigation (FFI) at para agarang maipataw ng kaparusan sa mga nabanggit na opisyal. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply