Kasuhan ang gumawa ng Smart tax exemption (2)

SAYANG ang babayarang buwis ng Smart Com na dapat ay maaring mapunta sa mga pampublikong ospital sa Maynila bilang pantustos sa mga kakailanganing gamot ng mga dukhang pasyente.

Hindi dapat makalusot sa mata ng batas ang kasong pagbibigay ng Manila City Council ng tax exemption sa Smart Com dahil ito ay malinaw na pagsasamantala sa kapangyarihan ng mga nasasangkot na pawang halal ng Manilenyo!

Marapat lang na kasuhan sa Office of the Ombudsman ang lahat ng sangkot sa kasong ito. At hindi malayong madamay rin sa gusot na ito si Mayor Lim.

***

TAMA lang ang plano ng Criminal Investigation and Detection Group na maglagay ng Korean desk sa buong himpilan ng pulisya sa buong bansa.

Sa dami ba naman ng mga Koreanong nagsipagdagsaan dito ay siguradong nahaluan na sila ng sinasabing “bad eggs” sa hanay nila.

Sa totoo lang, maraming Korean gangsters ang naririto sa ating bansa at malayang nakapaghahanap-buhay ng iligal at kumikita ng limpak-limpak na salapi nang walang binabayarang buwis sa ating pamahalaan.

May mga Koreano rin na nagpapanggap na mediaman at iligal na gumagawa ng mga pahayagang Koreano na gamit nila bilang panakot at pangikil sa kapwa nila Koreano din.

Ang iba naman ay pinansyer o ahente sa casino, yun bang nagdadala ng mga Koreanong player dito sa atin para magsugal lang na kadalasan ay talo kinalaunan.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit parami ng parami ang bilang ng mga Koreano na iligal na nanunuluyan sa bansa.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi sila matukoy ng Bureau of Immigration.

Kaya magandang umpisahan kaagad itong Korean Desk ng CIDG!

***

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, mag-text o tumawag lang sa 09994333437 o kaya’y mag-e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply