Kasuhan na ba?

SINABI ni House Speaker Sonny Belmonte na hindi okey na mag-file na lang ng mag-file ng kaso laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo lalo pa kung sa House of Representatives o sa Congress isinasampa ang mga reklamo.

Bad strategy raw ito dahil ang sinasabing kaso ni GMA ay hindi naman naganap ngayong Kongresista na si Gng. Arroyo.

Dapat, sabi ni SB, sa “proper court” magsampa lalo kung may merit naman ang kaso.

Sabi pa ni “SB”, baka mas makasama pa at imbes na ipinipilit ng administrasyon ni President Aquino na kontrabida si Gloria Arroyo ay baka bumaligtad ang maling stratehiya at maging bida pa ito.

Tandaan ang kaso ng mga Marcos at ni Erap, dating ipinilit na kontrabida pero nakabalik at muling naging bida.

Sikat sa tao ang ginagawa ng Pangulo, na pinipintahan bilang kontrabida si Congresswoman Macapagal-Arroyo at sa lahat ng kwento naman talaga, mas gagaling ang bida kung magaling din ang kontrabida.

Mas sikat si Batman dahil may Joker at Penguin.

Mas tumatabo sa takilya ang mga pelikulang may nag-iisang bida dahil sa kanyang kontrabida.

Pero delikado ang sobrang paggamit ng strategy na ito ng tropa ni Aquino.

Baka magsawa ang tao lalo at hindi naman mapatutunayan sa tamang hukuman ang kasalanan ng mga pinagbibintangan.

Sino ba ang ayaw maparusahan ang mga may sala, pero dapat sapat na ebidensya para isang solidong kaso.

Ang tantya ko, nahihirapan ang administrasyon ni Aquino na makapagsampa ng tunay na kaso sa mga sinasabing “malalaking isda” na sangkot sa korapsyon.

Paulit-ulit na inihahayag ni PNoy ang mga natutuklasan daw nilang katiwalian sa dating administrasyon, noong unang ulat pa nya ang ganito, mas marami pa.

Pero bakit walang kasong naisasampa?

Hindi nila alam kung paano maidiin si Arroyo?

Maghahanap ang tao.

At kahit mahal ng marami si Noynoy, magiging uncomfortable ang bayan sa paulit-ulit na bintang na hindi mapatutunayan.

At pagdating ng panahong iyon, baka bumaliktad ang ihip ng hangin at dapat maging handa ang administrasyong ito na inaasahan pa naman ng bayan.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply