Kaya di dadalo sa SONA, GMA guilty –Jinggoy

PANIWALA ni Senate President Jinggoy Estrada na guilty si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa mga katotohanan na ilalantad ni Pangulong Benigno Aquino III kaya hindi ito dadalo sa State of the Nation Sddress (SONA) sa Lunes.

Kahit may inter-parliamentary courtesy ang dalawang kapulungan ng Kongreso na nagbabawal siraan ang kapwa mambabatas, sinabi ni Estrada na maaaring natatakot lamang si Gng. Arroyo sa maririnig na katotohanan sa pinaggagawa nito sa nakaraang siyam na taon sa poder.

“Kung hindi siya guilty, hindi na niya kailangang boykotin ang SONA,” paliwanag ng anak ni dating Pangulong Joseph Estrada na napatalsik noong 2001 EDSA Revolution na naging daan para maluklok sa Malakanyang si Arroyo.

Nitong nakaraan, inihayag ng kampo ni Arroyo na hindi dadalo ang dating chief executive sa ikalawang SONA ni Pangulong Aquino na inaasahang ilalantad ang talamak na anomalya sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng AFP at PCSO.

Kahit tiniyak ng Palasyo na walang mangyayaring leakage sa speech ni Pangulong Aquino sa SONA, malaki naman ang hinala ng ilang sektor na sesentro lamang ang kanyang talumpati sa katiwalian at anomalya sa nakaraang administrasyon.

Naniniwala ang administrasyong Aquino na isang malaking hadlang ang katiwalian at nalantad na anomalya sa ilang ahensiya ng pamahalaan upang simulan ang itinataguyod na “tuwid na daan” kahit may sumasabit sa katiwalian ang ilang itinalaga ng Palasyo.

Kaugnay nito, aminado naman si Estrada na  walang makakapilit sa kanila kung talagang ayaw ng dating Pangulo na dumalo sa SONA ni PNoy.

Sa hanay ng mga senador, si Sen. Joker Arroyo pa lamang ang kumpirmadong hindi dadalo sa SONA dahil naging panata na nito na hindi dumalo kahit na noon pang panahon ni dating Pangulong Arroyo.

Nauna rito, pinayuhan ni Atty. Raul Lambino si GMA na huwag nang dumalo sa SONA dahil baka insultuhin at kutyain lamang ito ni Pangulong Aquino doon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply