Kaya mahusay magpatawa: Melai Cantiveros mukhang katulong

IN A way, advance promo na’ng Melason Concert nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ng kanilang Pureza movie from Star Cinema, which will be shown on July 13 sa mga cimemas nationwide. Sa July 9 ang concert ng dalawa sa Zirkoh at dito, kasama nila sina Bugoy Drilon, April ‘Congratulations’ Gustilo, Lemuel Santos at isang komedyanteng impersonator ni Bugoy.

Ayon sa mga producer, maraming fans ng dalawa’ng nag-order sa kanila ng mga tikets kaya umaasa silang big hit ang Zirkoh show ng dalawa.

Well, undoubtedly, malakas na naman sa pubuliko ang dalawa at kaya na nila pati ang isang pelikula gaya ng Pureza nila sa Star Cienma. Natural, inaasahan sila ng film outfit to sell the movie and if this happens, may kasunod na project na ito.

May nagkukumpara nga kay Melai kina Eugene Domingo, Ai Ai Delas Alas at Pokwang., siya na raw ang kasunod sa liga nila.

We just hope it could be true, kasi naman kaya may kakayahang magpatawa si Melai, gaya ng tatlong nabanggit, even without trying. Yung pagiging mukhang katulong ni Melai can help a lot para nga maabot niya ang naabot ng tatlo. You see, dito sa atin sa Pilipinas, ginagawa nating katawa-tawa’ng mga katulong at madalas, when they are depicted in any movie, sila yung source of humor ng istorya.

Pero malaki ang papel ni Jason sa buhay ni Melai bilang artista, they can compliment each other and as a team, talaga namang effetive silang dalawa.

“Sa totoo lang, maganda po siya (Melai), saka malakas ang appeal. Kaya lang siyempre, naka-experience na ako sa ganyan, ’di ba, kasi, ’pag magaganda, madaling makuha ng iba.”

Tawanan na naman.

Bale ba ay katabi ni Jason si Bianca Manalo na isa rin sa cast ng movie kaya natanong ang boyfriend ni Melai kung ano ang masasabi nito sa former beauty queen.

“Ay naku, ma’m, sa totoo lang, sobrang perpect,” sey niya pagkatapos ay bumaling kay Melai at sinabing “medium.” Tawanan.

“Mas maganda ’yung parang hindi labis. Ito (Bianca), sobrang labis. Ito (Melai), may kulang, eh,” patuloy pa ni Jason. Sigawan ang mga reporters.

Sumagot naman si Melai, “Bakit, ikaw, hindi ka ba kulang? Kung kulang ako, kulang ka rin.”

Kuwento pa ni Melai, away-bati pa rin daw sila ni Jason. Minsan daw ay six months straight na hindi sila nag-aaway kaya tuwang-tuwa siya. Pero after that, dahil lang sa isang toothpaste ay nag-away sila.

***

Patron saint of bikini open

KUNSABAGAY, guwapo naman si Sir Robin Bombita kaya di kataka-takang bet siya ng mga bading na mahilig sa bikini open. Kumbaga, he can be hailed as the new patron saint of bikini open dahil sa rami ng suporta niya sa mga bading who are organizing such. Actually, discovery of sort siya ni Kuya Mon Leones at di pala nagbibiro nang sabihan niya kaming may friend siya who’s willing to support Hataw na kasalukuyang ino-organize ngayon. Our final night is going to be on September 6 sa Metro Bar, at may pictorial, bonding at personality development workshop na gaganapin the whole day on July 17 sa UK Resort ni Louie Gamboa of the Erace Plantcenta fame. By the way, ang UK Resort in Sta. Cruz, San Simon Pampanga is a world class resort na maraming amenities na ino-offer. It is just some kilometers away form Metro Manila kaya talagang marami ang dumarayo doon.

Anyway, full support nga si Sir Robin sa Hataw Superbodies and in fact, he will be sponsoring some sort of needs and because of this, ngayon pa lang, nagpapasalamat na kami sa kanya.

Sana lang, di na magmaliw ang suporta niya’t gawing all the way ito. Tutal naman, bakas sa mukha ni Sir Robin na mabuti siyang tao na dahil meron namang gagastusin, ayan, tumutulong siya sa mga organisasyon ng mga bading na nagiging kaibigan niya.

***

Derex Dela Fuente next number one commercial model

EVERYTIME we are talking to Ms. Claire Dela Fuente about her wards, dama namin yung sobrang excitement niya. Yung bang parang di siya sikat na singer at ngayon pa lang sa limelight kaya napaka-infectious pa ng enthusiasm niya.

Like when she called us up to say na si Sam Pinto ang nanalong FHM sexiest at kalahating milyon ang lamang niya sa closest rival niyang si Marian Rivera, talagang genuine na genuine yung kanyang excitement. Pero nang intrigahin naming may nabasa kaming comment mula sa isang writer na ginastusan nang malaki ng Viva Films at ng San Miguel medyo pumakla’ng boses ni madam. “Bitter, sour-graping, if I know mga kalaban,” sabay tawa pa nito but just the same nagbago ang kanyang mood sa pagkukuwento.

Nung isang gabi, tinawagan ulit kami ni Ms. Claire and she told us na may bagong pictorial ang anak niyang si Derex Dela Fuente. The usual candor, excited siya lalo na nga’t tunay niyang anak ang laman ng kuwento niya.

Sinilip namin yung mga pix sa FB account ni Ms. Claire at true, super gupapo ni Derix na talaga namang hunk na hunk and is ripe for stardom.

Yun naman pala, maraming balak si Ms. Claire para kay Derex, including yung preparing him as an advertising citizen. Oo nga naman, sa kanyang kaguwapuhan, Derex can easily be the next favorite ng mga sosyal at popular brands para maging modelo nila.

“I am negotiating with some big entities, that would come next, malapit na,” excited na sabi pa nito sa amin.

Sa telepono pa lang yan. Paano na kaya kapag nakausap naming siya nang personal. Kaya nga lang di talaga magkatagpo ang mga skeds namin, but we are looking forward na finally, magkikita rin kami at magkakausap nang personal ni Ms. Claire dela Fuente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply