Kaya tsinugi sa ‘Wil Time Bigtime!’: Inday Garutay and company nagnenok raw?

DAHIL sa aming ever faithful and ever loyal kasambahay na si Madam M. na avid fan ni Willie Revillame sa kanyang Wi Time Bigtime sa TV 5, paminsan-minsan ay nasisilip namin ang show na ito ni Willie. At tanong sa amin ni Madam M., bakit daw wala na sa show sina Inday Garutay, Diwata at Apet? Sila ‘yung mga bading na nagbibigay ng comedy acts gabi-gabi sa audience.

Wala kaming maisagot sa aming maid of honor hanggang sa mabasa namin sa blind item ng osla at chakang kolumnistang TV host sa isang panghapong tabloid na kaya raw nawala sina Inday and company sa nasabing teevee program ay dahil nagnenok (nagnakaw) ang mga ito ng give-aways sa show.

Puwede naman daw kasing humingi ang mga ito kay Willie at bibigyan naman sila ng kanilang Kuyang TV host. Kaso, mo mas feel ata ng tatlo na magmating. So, ayun ang napala nila sabay-sabay silang tinigbak ng EP ng programa. Sayang ang career ng mga baklitang ito. Bakit kasi kailangan pa nilang gawin ito? Except for Diwata na bago napunta sa Wil Time Bigtime ay tagawalis lang sa kalsada, may mga career naman itong sina Inday Garutay at Apet na nanalo pa noon sa Willing-Willie ng isang milyong piso.

Ang mga sikat na stand-up comedians na sina Le Chazz at Jeff ang pumalit sa naturang grupo. Kung true ang bintang na ito kina Inday, Diwata at Apet, kabaliwed gyud!

***

Talbog pa ang mga pulitiko sa pagtulong sa kapuwa

NATURINGANG wala namang pondong ibinibigay sa kanila ang ating gobyerno, pero kapag tumulong ang mga Dabarkads natin sa “Eat Bulaga” talbog pa nila ang ilang mga pulitiko natin diyan na puro pangako lang ang ginagawa sa kanilang mga consituents. Araw-araw ang pamumudmod ng Bulaga ng malalaking halaga sa iba’t ibang barangay sa loob at labas ng Metro Manila para sa kanilang public service segment na Juan For All, All For Juan Sugod-Bahay sa Barangay.

At dahil sa segment na ito ay marami na sa mga Kapuso natin ang umangat ang buhay. Nandiyan rin ang Kaw Na, Da Best Ka na P30,000 cash naman ang puwedeng mapanalunan ng napiling contestant na maglalaro sa Broadway Studio at siyempre pa, ang Hakutan ng Kuwarta na marami na ang mga nabago ang buhay dahil sa pagkakapanalo nila rito. At ayon pa kay Tito Joey de Leon, sa mahigit tatlong dekada nila sa ere at sa pagbibigay nila ng Isang Libo’t Isang Tuwa araw-araw, this time ay pagsasabayin na nila ang pagbibigay saya at pagtulong nang husto sa ating mga Dabarkads lalung-lalo na sa mga kapos sa buhay. Kahanga-hanga gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply