Kelot binoga sa ‘etits’ ng nakaalitang tsuper

MALAMANG na maputol ang ari ng isang lalaki makaraan na barilin ito ng kanyang nakaalitang tsuper ng dyipni sa lungsod ng Quezon Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na isinugod sa Quezon City General Hospital na si Artemio Toro, 36, residente ng Interior St., Pangasinan Compound, General Avenue, Barangay Bahay Toro sa lungsod na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa maselang parte ng kaniyang katawan.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nakilala sa pangalang Joel na umano’y taga-Prohect 8 sa lungsod.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 3, naganap ang insidente dakong 11:55 ng gabi sa may kahabaan ng General Avenue sa nasabing barangay.

Sinasabing lumabas umano ang biktima mula sa kaniyang tinutuluyang compound nang lumapit sa kaniya ang suspek na sakay ang pinapasadang dyip kasama ang asawa.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa hamunin ng suspek nang suntukan ang biktima na hindi naman pinansin ng huli.

Sa puntong ito ay nagulat ang biktima nang bigla na lamang siyang paputukan ng baril ng suspek na tumama sa kanyang ari.

Mabilis naman na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply