Kelot na iplinastik, lumutang sa Manila Bay

MASANGSANG na ang amoy at pinaniniwalaang may ilang araw nang patay nang matagpuang lulutang-lutang sa Manila Bay sa North Harbor sa Tondo, Maynila ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na sinilid sa plastic bag Lunes ng umaga.

Tinatayang nasa edad na 35-40 anyos ang biktima, na nakasuot ng maong pants, itim na t-shirt at medyas na itim sa kaliwang paa.

Hindi na halos ito makilala dahil namamaga na ang buong mukha at katawan nito.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. David Tuazon kay Senior Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section dakong 7:15 ng umaga,  isang John Balmeo ang nakakita sa isang plastic bag na may kulay pula at puting stripe na lulutang-lutang at inanod sa loob ng compound ng MICT sa North Harbor.

Agad niya itong ipinagbigay-alam sa Philippine Coast Guard. Matapos ireport ni Virgilo Mariquit, security guard ng kumpanya, ay saka lamang ito iniahon sa pampang.

Nabatid sa report ng pulisya, hinalang may apat hanggang anim na araw nang babad sa tubig ang biktima, kaya hindi malaman kung may tama ito ng saksak o may tama ng bala sa katawan.

Pansamantalang inilagak sa St. Yvan Funeral Morgue ang bangkay ng biktima para sa kaukulang awtopsiya at upang mabatid ang pagkakakilanlan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply