Kelot kinuyog ng 5 siga sa Internet shop, malubha

MALUBHA ang isang lalaki nang pagtulungang pukpukin ng bato at saksakin ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng limang kalalakihan habang nasa loob ng isang Internet shop sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Carlo Andrew  Fajardo, habang ang mga suspek ay sina EJ Dela Cruz, Albert Esplana, Alvin Martinez, apo ni dating Kagawad Larry Delgado na ngayon ay presidente umano ng COOP TODA at ang isang hindi nakilala nang tumakas matapos ang pangyayari.

Ayon sa mga saksi, nagko-computer sa loob ng shop na pag-aari ng isang police official ang biktima nang pasukin ng mga salarin saka kinuyog.

Nabatid na nag-ugat ang alitan ng magkabilang panig dahil sa isang baseball cap na ninakaw umano ng isa sa limang nambugbog sa biktima.

Iniimbestigahan na ang naturang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply