Kelot na may luslos inoperahan ang sarili

MALUBHA ang 63-anyos na Amerikano makaraang tangkaing operahan ang sakit na luslos o hernia bago pinaso ng sigarilyo, Huwebes ng gabi sa Los Angeles.

Sa ulat ng pulisya, naabutan nila ang hindi pinangalanang biktima na nakahandusay sa loob ng kanyang apartment makaraang matanggap ang tawag ng misis nito.

“He actually impaled himself with the butter knife,” anang rumespondeng pulis.

“He told his wife he was frustrated with this hernia, and he didn’t want to wait any longer for the medical procedure.”

Nabatid na matapos hindi na makayanan ng biktima ang kanyang sakit ayu kumuha ito ng kutsilyo saka hiniwa ang kanyang puson malapit sa ari, bago iyon pinaso ng nakasinding sigarilyo.

Kasalukuyan namang ginagamot ang biktima sa Los Angeles County-USC Medical Center.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply