Kelot nabingwit sa Manila Bay

PINANINIWALAANG nalunod habang naliligo ang isang di nakilalang lalaki na palutang-lutang sa Manila Bay sa bandang “Baywalk” sa Roxas Boulevard, Maynila Lunes ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Milbert Balingan, ng Manila Police District-homicide section, inilarawan ang biktima na tinatayang nasa edad 20-25, kayumanggi ang kulay, may taas na 5’4, kulot ang buhok at maraming tattoo sa katawan.

Nabatid na dakong alas-singko ng hapon ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Bago pa ang insidente, nabatid na namumulot umano ng pagkakakitaan sina Erwin, 12 at isang Jay-R, 19, sa nasabing ilog nang mapansin nila ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa tubig.

Agad na ipinagbigay-alam nila ito sa Baywalk Outpost na siyang tumawag sa  pulisya.

Nang suriin ng ang bangkay ng biktima, nakitang may hiwa sa kaliwang kilay ito na hinihinalang nahampas sa matigas na bagay kaya nalunod ito habang naliligo sa nasabing ilog.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St Yvan Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply