Kelot naglason sa lodging house

PATAY na nang matagpuan ang hindi nakilalang lalaki matapos uminom ng silver cleaning solution habang naka-check in sa loob ng isang lodging house, Martes ng tanghali sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay P/Insp.Armando Macaraeg,hepe ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang biktima na si Rolly Gases.

Natagpuang patay sa loob ng comfort room ng Luxury Lodging sa panulukan ng Doroteo Sta. Sta. Cruz, Maynila, alas-12 ng tanghali.

Nakita  umano ang biktima na nakaupo sa comfort room at bumubula ang bibig habang nasa tabi nito ang bote ng silver cleaner.

Nauna rito, nabatid na nag-check-in ang biktima Lunes ng gabi at inukopa ang room 219 ng nasabing Lodging house.

Kinabukasan,  nagtataka umano ang mga room boy, dahil hindi na lumabas pa ng silid ang biktima, gayong dapat ay mas maagang mag-check out.

Nabahala na ang ilang kawani ng lodging house, kaya nila kinatok ang pinto ng silid, pero hindi sumasagot ang biktima, kaya gumamit sila ng duplikadong susi at dito na nadiskubre ang wala nang buhay na biktima.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply